(Kidapawan City/ October 1, 2013) ---Arestado
ng mga operatiba ng Kidapawan City PNP ang isang Eduardo Ilagan , residente ng Agdao Davao
City na may kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and
their Children (VAW-C).
Ayon kay Kidapawan City PNP Police Officer 1
Richard Ereje, bago ang pag-aresto kay Ilagan ay nakatanggap sila ng
impormasyon na nagtatago ito sa Kidapawan City.
Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga
otoridad at naaktuhan nila ito sa Green Mahogany Gallera, Ninoy Aquino Road.
Kaagad isinilbi ang warrant of arrest na
inisyu ni Judge Dorothy Gonzaga sa RTC branch 4 sa Panabo Davao City.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Kidapawan
City PNP lock up cell ang suspek.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento