DXVL Staff
...
Kasapi ng PNP, inabduct sa Pres. Roxas, North Cotabato?
Biyernes, Abril 19, 2013
No comments
(Pres. Roxas, North Cotabato/ April 19, 2013)
---Isang miyembro ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na naka-assigned sa bayan
ng Arakan ang pinaniniwalaang kinidnap ng mga di pa nakilalang mga armadong
kalalakihan sa probinsiya ng Cotabato kaninang umaga.
Kinilala ni Municipal administrator Felix Patrimonio ang biktima na si
Police Officer 2 Mike Ali ng Arakan municipal police station.
Residential House sa loob ng USM compound, muntik ng madilaan ng apoy
Huwebes, Abril 18, 2013
No comments
(USM compound, Kabacan, North cotabato/ April
19, 2013) ---Muntik ng masunog ang isang residential house na nasa USM Housing
sakop ng USM compound, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 9:45 kaninang umaga.
Sa panayam kay Fire Senior Insp. Ibrahim
Guiamalon bagama’t di nadamay ang bahay na inuukupa ni Esperanza Carumba, 59 na
taong gulang at residente ng nabanggit na lugar.
18-anyos na dalaga; huli sa Pikit, Cotabato dahil sa sugal
Huwebes, Abril 18, 2013
No comments
(Pikit, North Cotabato/ April 19, 2013) ---Huli
ng mga otoridad ang isang 18-anyos na dalaga makaraang masangkot sa illegal na
sugal sa Poblacion, Pikit, Cotabato kamakalawa.
Kinilala ni P/CInsp. Jordine Maribojo, hepe
ng Pikit PNP ang suspek na si Janice Rodrigues, walang asawa at residente ng
Brgy. Silik ng nabanggit na bayan.
4 katao na suspek sa illegal mining sa Pigcawayan; sinampahan na ng kaso
Huwebes, Abril 18, 2013
No comments
(Pigcawayan, North Cotabato/ April 19, 2013)
---Kasong paglabag sa RA 7942 o Philippine Mining Act of 1995 ang kinakaharap
ngayon ng apat katao makaraang mahuli sa illegal mining activity sa Sitio
Lampaki, Brgy. Kimarayag, Pigcawayan, Cotabato.
Kinilala ni P/CInps. Joffrey Todeño, hepe ng
Pigcawayan PNP ang mga suspek na sina: Michael Sadang, 32; Sonny Gattoc, 43;
Nicasio Calpo, 38; Nelvin Revilla, 32 lahat residente ng Midsayap, North
Cotabato.
Pag-indorso ni Gov. Mendoza kay FPJ Sacdalan na tumakbo bilang congressman ng 1st district ng North Cotabato, itinanggi
Huwebes, Abril 18, 2013
No comments
(Midsayap, North Cotabato/ April 19, 2013)
---Mariing itinanggi ni Fernando Sacdalan, tumatakbong congressman sa unang
distrito ng North Cotabato ang umuugong na balita na siya ang pinatakbo ni Gov.
Lala Mendoza.
Ito para kalabanin umano ang tiyuhin nitong
incumbent congressman ng 1st District ng North Cotabato na si Susing
Sacdalan.
One Strike Policy ng PNP dahilan ng pagkakalipat ng bagong Police Director ng Kidapawan City PNP
Huwebes, Abril 18, 2013
No comments
(Kidapawan
City/ April 19, 2013) ---Umpisa na kahapon ang panunungkulan ng bagong
itinalagang PNP Chief na si Supt. Chino Mamburam na nagsilbing hepe ng PNP
Kidapawan mula Oct. 2008 hanggang Feb. 2012.
Pinalitan ni
Mamburam sa posisyon bilang Police Director ng Kidapawan City PNP si Supt.
Joseph Semillano kahapon.
P16 M Rice Processing Complex, sisimulan nang itayo sa North Cotabato
Huwebes, Abril 18, 2013
No comments
(Midsayap, North Cotabato/ April 19, 2013)
---Magandang balita ang ipinaabot ni Midsayap-Pigcawayan-Libungan-Northern
Kabuntalan o MPLK Federation of Irrigators’ Associations President Dante Cudal
sa mga kapwa nito magsasaka sa isinagawang Farmers’ Forum kahapon sa Kapayapaan
Hall dito sa bayan.
Sinabi ni Cudal na aprubado na ang Rice
Processing Complex na itatayo sa Barangay Sinawingan sa bayan ng Libungan,
North Cotabato.
NPA patay sa nangyaring engkwentro sa Magpet, North Cotabato
Miyerkules, Abril 17, 2013
No comments
(Magpet, North Cotabato/ April 18, 2013) ---Patay
ang isang kasapi ng New People’s Army sa nangyaring sagupaan ng NPA at militar sa
Magpet, North cotabato nitong Lunes.
Kaugnay nito, tumulong na ang International
Committee of the Red Cross o ICRC Davao sa pagbaba mula sa bundok at pagdala sa
ospital ng mga sugatang miyembro ng NPA sa engkuwentro ng army at NPA sa
Barangay Don Panac bayan ng Magpet.
Ronda System sa mga Barangay sa Kabacan, isinusulong ng Kabacan PNP
Miyerkules, Abril 17, 2013
No comments
(Kabacan, North Cotabato/ April 18, 2013)
---Umaapela ngayon ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP sa lahat ng mga brgy
kapitan ng Kabacan ang paglalagay ng Ronda system sa mga brgy.
Ayon sa opisyal ang nasabing hakbang ay
bahagi ng kanilang kampanya kontra talamak na nakawan ng motorsiklo sa bayan.
Carmen, North Cotabato sentro ng lindol
Miyerkules, Abril 17, 2013
No comments
(Kidapawan City/ April 18, 2013) ---Nasa bayan ng Carmen, North cotabato ang sentro ng
nangyaring lindol alas 5:51 ng hapon kahapon.
Ito
ayon kay Engr. Milo Tabigue ng Phivolcs Kidapawan sa panayam ng DXVL Radyo ng
Bayan ngayong umaga.
Summer Kids Peace Camp sa Kabacan, nagsimula na!
Martes, Abril 16, 2013
No comments
(Kabacan, North Cotabato/ April 16, 2013)
---Laksa-laksang mga grade 5 pupils sa Kabacan ang ngayon ay sumailalim sa taunang
Summer Kids Peace Camp na nagsimula kahapon.
Ayon sa mga oraganizer ng nasabing aktibidad
kagaya ng ibang mga munisipyo, magtatagal din ng tatlong araw ang naturang
programa ng pamahalaang probinsiya sa pakikipagtulungan ng mga LGU at ng ilang
mga Non government organization kagaya ng Moro P’core.
Mga inabandonang illegal cut logs, nasamsam ng mga otoridad
Lunes, Abril 15, 2013
No comments
(Kabacan, North Cotabato/ April 15, 2013)
---Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa inabandonang illegal cut
logs na nakumpiska sa isang Watershed Area sa brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato
kamakalawa.
Nanguna sa pagkumpiska sa mga illegal na mga
kahoy sa lugar si Municipal Environment and Natural Resources Officer Jerry
Laoagan, , Kabacan Alert Team P/Insp. Tirso Pascual, MESPO SPO4 Enrique Cadiz,
7th IB 1Lt. Larry Valdez ng Philippine Army sa ilalim ng superbisyon
ni Supt. Leo Ajero , hepe ng Kabacan PNP.
Mahigit 200K, danyos sa nangyaring sunog sa Kabacan, Cotabato
Lunes, Abril 15, 2013
No comments
(Kabacan, North Cotabato/ April 15, 2013)
---Nilamon ng apoy ang dalawang bahay na nasa Matabay Plang, USM Compound,
Kabacan, Cotabato alas 9:45 kahapon.
Ayon kay Fire Senior Inspector Ibrahim
Guiamalon tinatayang nasa P250,000.00 ang kabuuang danyos sa nangyaring sunog.
Suspek sa pagbaril sa 48-anyos na lalaki sa Kabacan, tukoy na ng Kabacan PNP
Lunes, Abril 15, 2013
No comments
(Kabacan, North Cotabato/ April 15, 2013)
---Tukoy na ng Kabacan PNP kung sinu ang mga suspek sa nangyaring pamamaril sa
Brgy. Salapungan, Kabacan, Cotabato noong Huwebes ng hapon.
Bagama’t di muna isinapubliko ni Supt. Leo
Ajero, hepe ng Kabacan PNP ng pagkakakilanlan, may sinusundan na ring motibo
ang kanyang mga imbestigador sa nasabing insedente.
Mga mamamahayag sa South Central Mindanao, sumailalim sa 2-araw na NUJP election reporting training
Lunes, Abril 15, 2013
No comments
(Kidapawan City/ April 16, 2013) ---Para sa
mas magandang coverage ng May 2013 midterm election, isinailalim ang mga
mamamahayag sa South Central Mindanao sa dalawang araw na election reporting
training na inorganisa ng National Union of Journalists of the Philippines o
NUJP.
Sinabi ni NUJP Pres. Kidapawan Chapter Malu
Cadelina Manar na dapat ay nakapokus ang mga journalists sa mga issues,
campaign profiles at campaign tactics ng mga pulitiko.
Nalin Flood Control Project, inaasahang maipatutupad pagkatapos ng eleksyon sa Mayo
Lunes, Abril 15, 2013
No comments
(Midsayap, North Cotabato/ April 15, 2013)
---Umaaasa ang mga residente ng Barangay Nalin sa Midsayap, North Cotabato na
masisimulan na ang Nalin Flood Control Project pagkatapos ng gaganaping
eleksyon ngayong Mayo a-13.
Kaugnay ng mas lumalalang pagguho ng pampang
ng Libungan River sa bahagi ng nabanggit na barangay ay gumawa na ng kaukulang
aksyon ang Department of Public Works and Highways o DPWH Cotabato Second
Engineering District.
Landmine, sumabog sa Makilala, North Cotabato
Linggo, Abril 14, 2013
No comments
(Makilala, North Cotabato/ April 15, 2013)
---Ginulantang ng malakas na pagsabog ang mga residente ng Purok 2, Malasila,
Makilala, North Cotabato alas 8:30 kagabi.
Sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan kay 57th IB, PA spokesperson Lt. Col. Nasrullah Sema, wala namang may naiulat na nasawi o nasaktan sa nasabing pagsabog, pero naglikha ito ng takot at tensiyon sa mga residente sa lugar
Sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan kay 57th IB, PA spokesperson Lt. Col. Nasrullah Sema, wala namang may naiulat na nasawi o nasaktan sa nasabing pagsabog, pero naglikha ito ng takot at tensiyon sa mga residente sa lugar
2 Patay sa ambush sa Matalam, North Cotabato
Linggo, Abril 14, 2013
No comments
(Matalam, North Cotabato/April 15, 2013) ---Patay
ang dalawa katao makaraang paulanan ng bala ang kanilang sinasakyang Isuzu
Hilander sa National Highway, Brgy. Kilada, Matalam, North Cotabato, pasado
alas 3:00 ng madaling araw nitong Sabado.
Kinilala ng Matalam PNP ang mga biktima na
sina Daniel Hermo Simon, 53 at Felixberto Badayos kapwa residente ng Old PC
Baraacks, Sudapin, Kidapawan City.
Kalivungan Festival ng North Cotabato, 2nd place sa Aliwan Festival 2013
Linggo, Abril 14, 2013
No comments
(Pasay city/ April 15, 2013) ---Naiuwi ng
delegado ng North Cotabato ang ikalawang pwesto sa katatapos na Aliwan Festival
2013 na isinagawa sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City, Maynila.
Ayon kay Provincial Tourism Focal Person
Ralph Ryan Rafael, patunay lamang na ang mga contingent ng probinsiya ay di rin
mabibitin sa mga pambansang kompetisyon.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)