(Pikit, North Cotabato/ April 19, 2013) ---Huli
ng mga otoridad ang isang 18-anyos na dalaga makaraang masangkot sa illegal na
sugal sa Poblacion, Pikit, Cotabato kamakalawa.
Kinilala ni P/CInsp. Jordine Maribojo, hepe
ng Pikit PNP ang suspek na si Janice Rodrigues, walang asawa at residente ng
Brgy. Silik ng nabanggit na bayan.
Nakuha mula sa suspek ang ilang mga gambling
paraphernalia’s at cash na tinatayang abot sa P1,680.00
Nahuli ang suspek sa isinagawang operasyon
kontra illegal na sugal na sinasabing games of chance na mas kilala sa tawag na
last 2 at last 3.
Sa ngayon, inihahanda na ng Pikit PNP ang
kasong isasampa kontra sa suspek. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento