(Kidapawan City/ April 16, 2013) ---Para sa
mas magandang coverage ng May 2013 midterm election, isinailalim ang mga
mamamahayag sa South Central Mindanao sa dalawang araw na election reporting
training na inorganisa ng National Union of Journalists of the Philippines o
NUJP.
Sinabi ni NUJP Pres. Kidapawan Chapter Malu
Cadelina Manar na dapat ay nakapokus ang mga journalists sa mga issues,
campaign profiles at campaign tactics ng mga pulitiko.
Ayon naman kay NUJP Pres Rowena Carranza-Paraan na dapat ang mga mamamahayag na mag-cover ng midterm polls ay dapat bigyan ng mas malalim na pag-intindi sa mga isyung may kinalaman sa eleksiyon.
Ayon naman kay NUJP Pres Rowena Carranza-Paraan na dapat ang mga mamamahayag na mag-cover ng midterm polls ay dapat bigyan ng mas malalim na pag-intindi sa mga isyung may kinalaman sa eleksiyon.
Isinagawa ang dalawang araw na training
kungsaan 36 na mga journalist buhat sa South at Central Mindanao ang sumailalim
sa nasabing training sa Kidapawan City na nagtapos nitong linggo.
Sinabi ni Manar na maliban sa mga isyung
kinasasangkutan ng mga pulitiko dapat ding tutukan ng mga mamamahayag kung
magkakano at saan nanggagaling ang mga pondong ginugugol ng mga pulitiko sa
kanilang kandidatura.
Aniya, mahigpit kasing ipinagbabawal sa
batas ang pagtanggap ngmga kandidatu ng mga pondo na di nila nirereport sa
comelec.
Kaugnay nito, iba’t-ibang mga problemang
kinakaharap ng mga media at mga dilemma sa trabaho ang tinalakay din sa
nasabing traning. (Rhoderick Beñez/DXVL News)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento