(Pres. Roxas, North Cotabato/ April 19, 2013)
---Isang miyembro ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na naka-assigned sa bayan
ng Arakan ang pinaniniwalaang kinidnap ng mga di pa nakilalang mga armadong
kalalakihan sa probinsiya ng Cotabato kaninang umaga.
Kinilala ni Municipal administrator Felix Patrimonio ang biktima na si
Police Officer 2 Mike Ali ng Arakan municipal police station.
Ayon kay Patrimonio sina Ali at ang kanyang may bahay na si Miss
Parcon, kasama ang kanilang mga farm worker habang papunta sa Barangay
Tahontong, nasa bulubunduking bahagi ng Pres. Roxas ng hinarang angmga ito
ngmga armadong kalalakihan.
Tinutukan umano ng baril
si Ali at agad na dinampot ng mga salarin habang sinasabi ng mga suspek sa
misis nito na nasa ligtas na kalagayan ang mister.
Mabilis namang tumakas
ang mga suspek papatakbo dala ang subject victim papunta sa boundary ng
President Rojas at Arakan.
Sa ngayon wala pang alam
ang pamunuan ng LGU Pres. Roxas kung sinu ang nasa likod ng nangyaring
abduction kay Ali.
Hanggang ngayon ay wala
pang impormasyon na natatanggap ang pamilya Ali buhat sa mga abductors nito
simula kaninang umaga.
Nangyari ang insedente
tatlong araw matapos maganap ang engkwentro ng tropa ng mga 84th
Infantry Battalion at ng grupo ng New Peoples’ Army (NPA) sa Barangay Don
Panaca sa bayan ng Magpet.
Ang pagkidnap kay Ali ay
agad na tinalakay ngayong araw sa isinagawang Peace and Justice Consultative meeting sa Arakan LGU
alas 3:00 ng hapon kanina kungsaan imboitado ang mga representante ng simbahang
katoliko, civil society group, non-government organizations at iba pangmga sektor.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento