Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

LOVENOTES VALENTINES SPECIAL YEAR 5 WINNER’S, MALALAMAN NA NGAYONG ARAW


(Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2013) ---Malalaman na ngayong araw kung sino ang tatanghaling best letter ng Love Notes with oliver twist Valentines special year 5 ng DXVL FM Radyo ng Bayan, kung saan ito’y inaabangan na di lamang ng mga may entry sa naturang programa kundi pati na rin ng lahat ng taga-subaybay at tagapakining KOOL FM sa bahaging ito ng Mindanao.

Ekonomiya ng Kabacan, posibleng bababa kung magpapatuloy ang gusot sa Pamantasan


(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2013) ---Ramdam na ngayon ng ilang mga negosyante ang matumal na bentahan sa palengke ng Kabacan.

Ito ayon sa ilang mga nagtitinda sa Kabacan Public Market, dahil sa walang pasok ang University of Southern Mindanao, ibig sabihin biglang bumulusok rin ang ekonomiya ng bayan.

Text na kumakalat na may namatay na pulis sa Rally; pinabulaan ng Kabacan PNP



(Kabacan, North Cotabato/ February 13, 2013) ---Nilinaw ngayon ng Kabacan PNP na walang katotohanan ang mga balitang kumakalat na may namatay umanong pulis sa nangyaring tensiyon kaninang alas 3:00 ng madaling araw sa loob ng University of Southern Mindanao.

Ito ang sinabi sa DXVL News ngayong hapon ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP matapos na pinabulanan nito ang mga kumakalat na report.

4 na mga raliyesta at 7 pulis sugatan sa nangyaring tensiyon sa loob ng USM kaninang madaling araw


(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 13, 2013) ---Apat na mga raliyesta ang sugatan sa nangyaring kaguluhan sa loob ng University of Southern Mindanao alas 3:10 kaninang madaling araw.

Agad isinugod ang dalawang mga sugatan sa USM Hospital ngayong umaga.

Kinilala ang mga raliyestang nasugatan na sina Gary Tado Magonto, 31 taong gulang na nasugatan sa ulo habang kinilala naman ang isa pa na si Patrick Mamansin Mohammed, 37 kapwa residente ng Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato.

Mga bulaklak, nagsisimula ng mabili ngayong paparating na Valentines Day sa Kabacan Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ February 12, 2013) ---Nagsisimula ng mabili ngayon ang mga bulaklak ditto sa bayan ng Kabacan na kadalasang ibinibigay ng mga taong nagmamahal sa kanilang minamahal lalo pat paparating na ang pinakamapusong araw sa buong mundo ang Valentines Day.

Dito sa bayan, partikular na sa mga ibat-ibang flowershops, rosas ang pinakamabiling bulaklak dahil diumano sa kakaibang romantikong hated nito ayon sa isang mamimili.

Misis Patay, Mister at Anak Sugatan sa isang vehicular accident sa Makilala, North Cotabato



(Makilala, North Cotabato/ February 11, 2013) ---Patay on the spot ang 29-anyos na ginang habang sugatan ang mister nito at ang 5-taong gulang nilang anak makaraang masangkot sa isang vehicular accident sa Davao- Cotabato National Highway, partikular sa Brgy. Poblacion, Makilala, Cotabato alas 5:30 ng hapon noong Sabado.

Kinilala ng Makilala PNP ang biktima na si Janit Castro Viana habang sugatan naman ang mister nitong nakilala sa Ruben Castro Bentoy, 34 at ang kasama nilang bata na si Mica, lahat residente ng Sitio Kapatagan, Brgy. Luayon ng nasabing bayan.