(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 14,
2013) ---Ramdam na ngayon ng ilang mga negosyante ang matumal na bentahan sa
palengke ng Kabacan.
Ito ayon sa ilang mga nagtitinda sa Kabacan
Public Market, dahil sa walang pasok ang University of Southern Mindanao, ibig
sabihin biglang bumulusok rin ang ekonomiya ng bayan.
Ayon kay Kabacan Mayor George Tan, abot sa
P5M kasi ang naglalarong bulto ng pera sa Kabacan, ito dahil sa USM, pero kung
magpapatuloy ang gusot sa USM lalong hihina ang ekonomiya ng bayan.
Apektado na rin ang kita ng mga tricycle
drivers, mga carenderia at maging ang mga naglalako sa paligid ng Unibersidad.
Ayon sa isang tricycle driver na nakapanayam
ng DXVL News, kung dati abot sa P500 ang kinikita nila sa isang araw, ngayon
maswerte ng maka-abot sila ng P200.
Nasa ika-apat na araw ngayon na walang pasok
ang mga estudyante at mga kawani ng Pamantasan dahil sa patuloy na pagsasara ng
mga raliyesta sa mga gates ng USM.
Kaugnay nito, nababahala na ngayon ang ilang
mga magulang ng mga graduating students ng USM dahil sa ilang araw ng nabalam
ang pag-aaral ng kanilang mga anak.
Reklamo ng ilang mga estudyante na di na
nila nagagawa ang kanilang mga thesis at ilan pangmga requirements dahil sa di
na sila makapasok ng Pamantasan.
Ang ilan sa mga bahay, boarding houses at sa
mga bakanteng lugar na lamang sila nagkikita ng kanilang mga guro para makakuha
at maipagpatuloy ang mga exams.
Nabatid na ang mga 1st year BSCE
ay nagsagawa ng kanilang klase sa Municipal Gym ng Kabacan kahapon.
Iba’t-ibang diskarte na umano ang ginagawa
ng mga guro at estudyante para maipagpatuloy ang leksiyon habang di pa naaayos
ang gusot sa USM. (RB ng Bayan)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento