Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Misis Patay, Mister at Anak Sugatan sa isang vehicular accident sa Makilala, North Cotabato



(Makilala, North Cotabato/ February 11, 2013) ---Patay on the spot ang 29-anyos na ginang habang sugatan ang mister nito at ang 5-taong gulang nilang anak makaraang masangkot sa isang vehicular accident sa Davao- Cotabato National Highway, partikular sa Brgy. Poblacion, Makilala, Cotabato alas 5:30 ng hapon noong Sabado.

Kinilala ng Makilala PNP ang biktima na si Janit Castro Viana habang sugatan naman ang mister nitong nakilala sa Ruben Castro Bentoy, 34 at ang kasama nilang bata na si Mica, lahat residente ng Sitio Kapatagan, Brgy. Luayon ng nasabing bayan.

Batay sa inisyal na pagsisisayat, galing umano ng bayan ng Matalam papuntang Makilala ang isang Isuzu Rio Cargo Truck na may plate number MDA-797 lulan ng rubber round log na minamaneho ni Esperedion Gregorio Niala, 28, residente ng brgy Bulacanan ng nabanggit na bayan ng magbiglang hinto at lumiko ang nasabing truck ay aksidente nitong mabangga ang isang Honda TMX 155 single.

Patay noon din ang ginang.

habang sugatan naman ang driver na mister nito kasama ang isa pa ang isa pang angkas nito na anak na mabilis namang isinugod sa Amas Provincial Hospital.

Nagtamo naman ng kasiraan ang nasabing motorsiklo.

Boluntaryo namang sumuko ang driver ng truck sa Makilala PNP.

Nagdulot naman ng matinding sikip sa daloy ng trapiko noong Sabado ng gabi ang nasabing aksidente sa daan habang bumubuhos naman ang malakas na ulan.(Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento