(Kidapawan City/ February 7, 2013) ---Kung
mapapansin, nitong nakaraang buwan pa pinapahintay ang Pederasyon ng mga Senior
Citizen dito sa lungsod ng Kidapawan ang desisyon ng Kidapawan City Mayor
Rodolfo Gantuangco kung sino ang ipapalit sa nabakanteng pwesto ni Josue Lamata
Sr., dating head ng Office of Senior Citizen Affairs o OSCA.
Ayon pa kay Kidapawan City Federation of Senior Citizens Association o KCFSCA President Rosita Jumawid, isa sa mga nominado sa posisyon, hanggang ngayon ay wala pa ring napili ang alkalde sa tatlong nominado para sa posisyon.
Kasama ni Jumawid sa mga nominado sina Sebastian
Ceballos at Adelaida Letada.
Dahil wala pang napili sa Gantuangco, nananatili sa
pwesto si Lamata.
Hinanahangad ni Jumawid nab ago matapos ang buwan
ng Pebrero ay makapag-desisyon na ang mayor kung sino sa tatlong nominado ang
papalit kay Lamata.
Ayon sa batas, ang chief executive sa isang Local Government Unit ang may kakayahang pumili kung sino ang magiging bagong OSCA Head. Debby Piñero, DXVL News!
Ayon sa batas, ang chief executive sa isang Local Government Unit ang may kakayahang pumili kung sino ang magiging bagong OSCA Head. Debby Piñero, DXVL News!
0 comments:
Mag-post ng isang Komento