(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2013)
---Nirereklamo ngayon ng ilang mga negosyante sa loob ng Kabacan Public Market
ang umano’y kawalan ng mga pulis na nagbabantay sa loob ng palengke.
Ayon sa isang vendor na ayaw magpabanggit ng
pangalan sa panayam sa kanya ng DXVL News.
Wala umanong pulis na nagbabantay sa
entrance and exit point partikular sa isdaan section ng palengke.
Hiling ng mga negosyante sa palengke na
dapat ay maglagay ng tagabantay na pulis at mag-roving sa loob dahil karamihan
sa mga nagtitindi sa palengke ay walang kakayahan na magkuha ng security guard
na magtitiyak sa seguridad ng kanilang establisiemento.
Dagdag pa nito na minsan may mga
kahina-hinalang tao na pumapasok sa palengke na naka jacket at nakatakip ang
mukha na hindi napapansin dahil sa abala ang karamihan sa pagtitinda.
Kaugnay nito, sinabi naman sa DXVL News ni
Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP na napagkasunduan na umano nila ng mga
market guards na sila ang responsableng magbabantay sa loob at labas ng Kabacan
Public Market.
Bukod dito, may sinasahuran umanong market
administrator at mga market guards ang gobyerno na siya’ng magtitiyak sa
paligid ng palengke at police visibility lamang umano ang maibibigay na
serbisyo ng mga pulis. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento