(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 5,
2013) ---Kasado na ang mga gaganaping aktibidad para sa Arts Month sa
Pamantasan ng Katimugang Mindanao ngayong buwan.
Ito ay pinangungunahan ng
Institute of Sports, Physical Education and Recreation o ISPEAR sa nasabing
pamantasan. Ang nasabing aktibidad ay may temang “Celebrating Icons.”
Ibat ibang mga aktibidad ang gaganapin sa
a-dose hanggang a-kinse ng kasalukuyang buwan,pati na rin sa a-dise-otso,
a-bente uno, a t a-bente tres ng Pebrero.
Ilan rito ay ang Theater presentation ng
Sibol Theater arts guild at ng Department of English Language and Literature, Installation
art, Photography Contest, Painting Seminar Workshop, Sirtos sa pangunguna ng
B’dadali Dance Troup at ng dance sports.
Tatapusin naman ang Arts Month sa isang
Konsyerto na inihanda ng mga punong-abala at ang College Socio-Cultural
Presentation.
Inaasahan namang magiging matagumpay ang
pagdiriwang ng Arts Month sa pamantasan na naglalayong maipakita ang
kahalagahan ng sining sa mga USMians. John Ancheta, DXVL News!
0 comments:
Mag-post ng isang Komento