Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 100 motorsiklo naka-impound sa isinagawang lambat bitag ng PNP



(Kabacan, North Cotabato/ February 5, 2013) ---Abot sa 130 na mga motorsiklo na may paglabag sa iba’t-ibang traffic rules ang ngayon ay naka-impound sa Kabacan Municipal Police Station sa isinagawang operasyon lambat bitag.

Ayon kay Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP ang nasabing hakbang ay bahagi ng kanilang pinaigting na checkpoints para madakip ang mga kolurom at ang mga carnap o nakaw na sasakyan.

Nanguna sa nasabing lambat bitag ang mga police personnel bilang augmentation sa pwersa ng Kabacan PNP mula sa istasyon ng pulisya sa North Cotabato katuwang ang Cotabato Police Public Safety Company.

Maaga pa kahapon ay binantayan ng mga ito ang mga pangunhaing kalye ng Kabacan.

Sinabi ni Ajero na dumating na rin kahapon ng madaling araw ang kahilingan ni Cotabato Police Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta na isang Platoon ng augmentation na pulis para sa Kabacan na magtitiyak sa seguridad ng paligid ng USM at ng bayan.

Ang isang kompanya ng pulis ay galing sa Police Regional Office 12 na ipinadala ng bagong regional Director lulan ang mga anti-riot equipments.

Aminado kasi ang opisyal na kulang ang kabuuan pwersa ng pulis, ito dahil sa Kabacan ay isang pulis katumbas ng 2, 505 mga mamamayan.

Dapat aniya ay 1:1000 o isang pulis sa bawat 1000 katao. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento