Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 sa mga tatlong tulak droga, itinuturong suspek sa pagbaril kay VM Dulay



(Kabacan, North Cotabato/ January 4, 2013)  ---Huli ng mga otoridad ang talong tulak droga noong Huwebes ng hapon kungsaan isa dito ang itinuturong suspek sa pagbaril patay kay Kabacan Vice Mayor Policronio Dulay.

Ayon kay Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP, positibong itinuro ng kanilang hawak na witness ang suspek na di pa kinilala sa report na siya umanong bumaril kay Vice Dulay noong January 11.

Ang witness ay malapit lamang sa pinangyarihan ng shooting incident, ayon pa kay Ajero.


Sinabi ng opisyal na ang suspek ay nahaharap sa maraming kaso at kasama umano sa mga litrato ng pulisya na most wanted criminals sa North Cotabato.

Nang magsagawa ng buybust raid ang pulisya noong Huwebes narekober nila ang iba’t-ibang mga bala sa suspek.

Sa ngayon, isasailalim pa sa malalimang imbestigasyon ang suspek habang inilipat na ang suspek sa pamunuan ng Task Force Dulay ng Criminal Investigation and Detection Team o CIDT.

Sa ngayon abot na sa P.6M ang cash reward sa sinuman ang makapagtuturo sa pumatay sa opisyal.

Kung matatandaan, binaril ang bise alkalde pagkatapos nitong bumili sa Allan’s Bookstore.

Pulitika ang anggulong tinitingnan na motibo ngmga pulisya sa pagbaril sa biktima.

Si Vice Mayor Dulay ay muling tatakbo sana sa kanyang huli at ikatlong termino at magiging kalaban nito sa pagka-bise alkalde ang isang independent candidate na si Datumaidu Sultan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento