Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

53-anyos na ginang; kritikal matapos pagbabarilin sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ February 4, 2013) ---Kritikal ang 53-anyos na ginang makaraang pagbabarilin sa Kabacan Public Market alas 7:25 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PInsp. Tirso Pascual ng Kabacan PNP ang biktima na si Norma Pigcaulan, negosyante at residente ng Lapu-Lapu St., Poblacion ng bayan ito.

Nagtamo ang biktima ng iba’t-ibang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan at maswerte namang di napuruhan.


Binaril si Pigcaulan sa mismong drygood store nito sa Roxas St., ng di pa matukoy na salarin gamit ang .45 na pistol, ito batay sa mga empty slug o mga bala na narekober sa crime scene.

Mabilis umanong tumalilis papalayo ang suspek sa di malamang direksiyon.

Samantala, agad namang isinugod ang biktima sa Kabacan Medical Specialist para mabigyan ng medikal na atensiyon at sa di kalaunan ay inilipat ang biktima sa Kidapawan City.

Ito na ang pang-apat na shooting incident na ang mga biktima ay babae simula taong 2012, pero ni isa sa mga kasong ito wala pang nahuli ang mga otoridad, ito dahil sa ayaw magbigay ng mga saksi sa pagkakakilanlan ng mga suspek, kaya nahihirapan ang mga pulisya sa kanilang imbestigasyon.

Kung matatandaan, binaril din ang office clerk ng RTC Branch 22 na si Lorena Somera Nabaira noong July 17, 2012 dakong alas 5:30 ng hapon sa National Highway. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento