(Kabacan, North Cotabato/ February 7, 2013)
---Tuloy na tuloy na ang pagpapasemento sa daanan patungomg Pisan Cave na
matatagpuan sa Brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato.
Nitong araw ay sinurvey ng mga tauhan ng
Department of Public Works and Highways at ng Department of Tourism kasama ang
Municipal Environment and Natural Resources Officer, Jerry Laoagan ang gagawing
daanan papunta sa nasabing Kuweba.
Sa ngayong kanila pang sinusukat kung gaano
kahaba ang gagawing sementadong daanan at kung magkano ang kanilang magagastos
sa pagpapagawa nito.
Ito ay bilang bahagi ng pagpapalago ng
turismo bilang isang mapagkukunang yaman ng bayan ng Kabacan. John Ancheta.
DXVL News!
0 comments:
Mag-post ng isang Komento