Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Babaeng may deperensiya sa pag-iisip, nawawala at dinala sa Kabacan PNP para maproteksyonan


(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2013) ---Isang babae na nasa edad 25 hanggang 30 ang ang dinala kahapon ng hapon sa Kabacan Municipal Police Station upang maproteksyonan at mabigyan ng pansamantalang masisilungan habang inaalam pa ang pagkakakilanlan nito.

Ayon sa report, natagpuan sa bahay ng isang Ericson Tecson na residente ng Purok Sunshine, Brgy. Kilagasan, Kabacan, Cotabato.

Tulala umano ang nasabing babae at hindi maka-usap ng matino bukod pa sa may deperensiya umano ito sa pag-iisip.

Ayon pa sa mga pulis maayos naman daw ang lagay ng babae at kapag tatanungin daw ito kung ano ang kanyang pangalan ay iisa lamang ang isinasagot nito na Daryll May Flores Tanod-tanod.

Posible umanong may pinagdaanang trauma mula sa isang masaklap na pangyayari angnasabing babae na di pa kinilala, ayon sa mga pulisya.

Sa ngayon, nananawagan naman ang kapulisan sa Kabacan na kung sino man ang may nawawalang kamag-anak na isang morena na babae, maiksi ang buhok nasa 5 – 5’2 ang taas.

Suot umano nito ang basing bestida na balat tigre ang disenyo ng matagpuan ang nasabing babae.
Maaring puntahan siya sa istasyon ng pulisya. John Ancheta, DXVL News.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento