Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Gusot sa USM, malaki ang epekto sa economic cycle ng Kabacan



(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 5, 2013) ---Aminado ang punong ehekutibo ng bayan ng malaki ang naging epekto sa ekonomiya ng Kabacan kung magpapatuloy ang nangyayaring gusot sa USM.

Ito makaraang magdeklara ng suspension of classes ang pamunuan ng USM makaraang di papasukin ng mga raliyesta ang mga mag-aaral ng Pamantasan noong kasagsagan ng mga pagkilos sa loob ng Pamantasan.

Ibigsabihin nito, kapag magsiuwian ang mga estudyante maaapektuhan dito ang araw araw na kita ng mga tricycle drivers, mga karenderia at maging ang mga ordinaryong naglalako sa palibot ng unibersidad.

Ito ang nakikitang negatibong epekto sa kalakalaran ng Kabacan kung di matuldukan ang gusot ng Pamantasan na siya’ng nagpapasigla sa ekonomiya ng bayan.

Sinabi ni Mayor George Tan na abot sa P5M ang gumagalaw na bulto ng pera sa Kabacan kada araw, ito dahil sa USM. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento