(USM, Kabacan, North Cotabato/
February 6, 2013) ---Ginanap kanina ang Seminar Workshop on Micro-Biological
Techniques bandang alas syete ng umaga sa College of Arts and Sciences Building
sa USM.
Ang nasabing seminar ay pinangunahan
ng Department of Biological Sciences at ng mga estudyante ng 3rd
year BS Biology na sinimulan pa kahapon.
Ito ay tumatalakay ng iba’t ibang
paksa tungkol sa invertebrates collection and preservation, microorganism and
gram staining, microbial nutrition and inoculation methods, plant and animal
tissues preparation at iba pa.
Nilahukan ng lahat ng mga USM
Biology students at ng mga estudyante galing sa Cotabato Foundation College of
Science and Technology ang nasabing workshop.
May layunin itong ibahagi ang mga
kaalaman sa ibang mag-aaral sa ibang paaralan.
Ang nasabing seminar ay may siyam na
iba’t ibang speaker bawat topiko mula kahapon hanggang kanina. (Sheena Porras,
DXVL News)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento