Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga delegado ng USM para sa SCUAA national meet 2013, handang handa na



(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 5, 2013) ---Puspusan na ang paghahanda ngayon ngmga delagado ng USM para sa State Colleges and Universities Athletic Association o SCUAA national meet 2013 na gaganapin sa Dapitan, Zamboanga City na magsisimula sa Pebrero 16.

Ayon kay ISPEAR Information In-charge, Dr, Kairhonessa Pahm limang palaro ang lalahukan ng USM kasali na ang soft ball, volley ball, Taekwondo, boxing, at athletics.

Coach sa mga nasabing palaro sina Professor James Imlan, Elpidio Arias, Venus Java, Danilo Crisostomo, at Evangeline Gaspan na tinitiyak naman ang pagkapanalo ng mga atletang USMian.

Ayon pa kay Pahm may kabuuang 35 atleta ang magmumula sa USM at labindalawang mga opisyal na sasama sa SCUAA national meet.

Sinigurado naman nito na magiging maganda ang kalalabasan ng nasabing palaro dahil puspusan ang kanilang paghahanda para rito. John Ancheta, DXVL News!

0 comments:

Mag-post ng isang Komento