(Kabacan,
North Cotabato/ February 6, 2013) ---Tiniyak ngayon ng Kabacan Municipal Social
Welfare and Development Office ang sapat na kalusugan sa pagtatapos ng
Suplemental Feeding Program ngayong ika 18 sa buwan ng Pebrero para sa 53 Day
Care Centre sa 24 brgy sa bayan ng Kabacan.
Ito
ayon kay MSWD Officer Susan Macalipat na ang nasabing programa ay sinimulan
noong Hulyo 13 nito lamang nakaraang taon kung saan may kabuuang 120 araw o
katumbas na 6 na buwan ang nasabing programa.
Dagdag
pa ni Macalipat, layunin ng programa ang maibsan ang malnutrition na isa sa mga
pangunahing problema na karamihang tumatama sa mga bata partikular sa mga day
care children.
Kabilang
sa nabahaginan ng tulong ng nasabing programa ay ang may pinakamaraming bilang
ng estudyante sa mga brgy ng Lumayong Block 2 DDC na may bilang na 58 number of
enrollees, Purok Masagana DCC na may bilang na 55 number og enrollees, Purok
Kapayapaan DCC na may bilang na 48 number og enrollees at sa iba pang day care
centre sa naturang lugar.
Ang nasabing programa ay namahagi ng mahigit
kumulang 365 sako ng bigas para sa 24 na mga brgy sa bayan.
Ang
nasabing programa ay may kabuuang budget na P1,896,000 mula buwan ng Hulyo
hanggang Pebrero na donasyon mula sa Department of Social Welfare and
Development o DSWD Manila. (Randy Yap, DXVL News)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento