(Pikit, North Cotabato/ February 6,
2013) ---Tatlong kalalakihan ang nagpakilala na isang kasapi ng Pulisya sa
North Cotabato ang naaresto sa naging
highway check sa bayan ng Pikit bandang 4:30 kahapon ng hapon.
Ayon kay Chief Inspector Jordine
Maribojo ng PNP Pikit bigong magpakita ng mga kaukulang dokumento ang mga ito
na magpapatunay na kasapi sila ng civilian Investigative support ng Criminal
Investigation and Detection Team.
Kinilala ang mga pinagduduhang
personahe na sina Cyril Fajardo Abapo, 26, residente ng Sitio Bugoc, Barangay
Ma-a, Davao City; Galileo Hinosa, Jr., 35 na taga Barangay Lanao, Kidapawan
City; at Danilo Jalwin Licatan, 59, na residente naman ng Poblacion, Kidapawan
City.
Ayon kay Maribojo sa kanilang hiway
check sinita ang mga ito dahil sa may salukbit ang mga suspek ng baril na
mahigpit na ipinagbabawal dahil sa comelec gun ban.
Narekober naman sa mga suspek ang isang
45 caliber pistols; pitong magazines ng pistol at 23 rounds ng live ammunition,
ito ay sa sa pangunguna ni PO3 Lauro Juguan ng Pikit PNP at 7th Infantry
Battalion of the Army.
Sakay ang mga ito sa isang Suzuki
motorcycle na may plate number YDU 984 ng mahuli ng mga otoridad at ang
nasabing mga suspek ay nanggaling pa umao sa bayan ng Pigcawayan, North
Cotabato.
Agad na inilagay ang mga ito sa
kustodiya ng mga pulis at inihahanda na ang magiging kaso sa naging paglabag
nito sa Comelec Resolution Number 9588 o Gun Ban at patuloy pa ang ginagawang
imbestigasyon kung sangkot ang mga ito sa mga sindikatong may operasyon sa
Central Mindanao.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento