Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) Kambal na pagsabog yumanig sa probinsiya ng North Cotabato; granada sumabog sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/August 10, 2012) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring kambal na pagsabog sa North Cotabato ngayong gabi lamang.
Isang granada ang sumabog sa bubong ng Quaknet Internet Café na naglikha ng malaking pinsala sa itaas na bahagi ng nasabing establisiemento.
Nabatid na wala namang mga customers ang nasabing internet café ng mangyari ang insedente.

(BREAKING NEWS) Isang Internet Café sa Kabacan, pinasabugan


(Kabacan, North Cotabato/August 10, 2012) ---Muli na namang niyanig ng malakas na pagsabog ang bayan ng Kabacan bago mag alas 9:00 ngayong gabi lamang.
Batay sa report ng Kabacan PNP, isang malakas na uri ng pampasabog ang diumano’y inihagis sa bubong ng Quaknet internet cafĂ© na nasa National Highway at Bonifacio St., Poblacion ng bayang ito.
Agad namang kinordon ng mga otoridad ang paligid na pinangyarihan ng pagsabog.

Supplier ng Shabu, na dati ring tulak at 2 menor de edad; huli sa panibagong buybust operation ng Kabacan PNP


(Kabacan, North Cotabato/August 10, 2012) ---Imbes na pag-asa ng bayan ang mga kabataan, magiging madilim ang kinabukasan ng dalawang menor de edad makaraang masangkot sa pagtutulak ng illegal na droga sa bayan ng Kabacan.
Ito makaraang mahuli ang dalawa kasama ang isang nakilalang Datu Mama Lawi Sultan, 40, may asawa at residente ng Mantawil St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.
Si Sultan ay nahuli ng mga pulisya sa isinagawang buybust operation sa mismong bahay nito alas 11:10 kaninang umaga.

Isang bayan sa Maguindanao; muling niyanig ng pagsabog


(Pagalungan, Maguindanao/August 10, 2012) ---Muli na namang niyanig ng malakas na pagsabog ang bayan ng Pagalungan, Maguindanao alas 8:15 kagabi.                                                        
Hindi pa mabatid ng mga otoridad kung anung klaseng pampasabog ang gumulantang sa mga residente ng Sitio Egam, Brgy. Galakit ng nabanggit na bayan, kungsaan ilang metro lamang ang layo nito sa kampo ng 38th IB, Philippine Army. 

Isa sa mga kasapi ng BIFF at most wanted sa bayan ng Banisilan, nasakote ng mga otoridad


(Banisilan, North Cotabato/August 10, 2012) ---Arestado ng mga elemento ng Banisilan PNP ang sinasabing isa sa mga most wanted na personahe sa bayan.

Kinilala ni PCI Richzel Alucilja, hepe ng Banisilan PNP ang suspek na si Bagi-bagi Guila Dumila alias Kumander bagi na nahuli sa loob ng Public Market, Poblacion ng nabanggit na bayan alas 4:45 ng hapon kamakalawa.

Mga motorista, pinayuhan ng mga otoridad na wag munang magbiyahe kapag gabi sa Highway ng Pikit dahil sa banta ng seguridad sa lugar


(Pikit, North Cotabato/August 9, 2012) ---Pinayuhan ngayon ni Commanding Officer ng 7th IB, PA, Lt. Col. Benjamin Hao ang mga motorista na wag munang magbiyahe kapag gabi na kapag dadaan sa highway ng Pikit, North Cotabato.

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos na namataan ang presensiya diumano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter ng BIFM sa ilalim ng pamumuno ni Ameril Umbra Kato sa ilang mga Barangay ng Pikit.

Rehabilitasyon ng irrigation facilities, sisimulan na sa service area ng LibRIS


(Libungan, North Cotabato/August 9, 2012) --- Partikular na maapektuhan sa pagsasaayos ng mga irrigation canal sa unang distrito ng North Cotabato ay ang service area ng Libungan River Irrigation System o LibRIS.

Patuloy ang ugnayan ng opisina ni Cong. Jesus Sacdalan sa National Irrigation Administration o NIA kaugnay sa programang ito upang suportahan ang mandato ng pamahalaang nasyunal na itaguyod ang food security and self sufficiency sa bansa.

Dried marijuana leaves, nakumpiska sa isang menor de edad sa highway inspection ng mga sundalo sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/August 9, 2012) ---Arestado ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang mahulihan ng dried Marijuan leaves sa highway inspection ng 7th IB, Philippine Army sa Check/choke point nila sa brgy Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 6:25 kagabi.

Kinilala ang nahuli na si Sadam Talib, walang asawa at resident eng Purok Lugit, Kilagasan ng nabanggit na bayan.

Mga sundalo, magsasagawa ng supplemental food feeding sa mga bata sa Maguindanao


(Datu Montawal, Maguindanao/August 9, 2012) ---Sa layuning mahupa ang pangamba ng mga kabataan sa isang liblib na barangay sa bayan ng Datu Montawal, sa Maguindanao, mangunguna ang mga tropa ng Alpha company, 7th IB sa isang supplemental food feeding, ngayong linggo.
       
Nagbabalak ang pamunuan ng kumpanya na magbigay ng  feeding program sa mga bata ng Barangay Talapas na naging biktima ng sagupaan ng ilang rebeldeng grupo sa lugar kamakailan.

Kakanin at projects implemented ibinida sa ika- 51 Araw ng Libungan sa North Cotabato


(Libungan, North Cotabato/August 9, 2012) ---Ipinarada ng mga Libunganon ang iba’t- ibang uri ng kakanin na matitikman sa kanilang lugar.

Nais ipagmalaki ng mga Libunganon ang sarap ng kanilang mga native delicacies na karamihan ay gawa mula sa bigas. Paraan na din umano ito ng pagpapasalamat sa magandang ani, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Cotabato-Davao National Highway; mahigpit na minomonitor ngayon ng mga Pulisya dahil sa mga balitang tangkang pag-atake ng BIFM


(Kabacan, North Cotabato/August 8, 2012) ---Simula kahapon ng umaga ay mahigpit na minomonitor ngayon ng Cotabato Police Provincial Office ang Cotabato Davao city National Highway.

Ito ang nabatid mula kay Cotabato Police Provincial Director S/Supt. Cornelio Salinas makaraang makatanggap sila ng intelligence report na planu umanong atakehin ng mga armadong grupo ng Bangsanoro Islamic Freedom Fighter na pinamumunuan ni Bangsamoro Islamic Freedom Movement Ameril Umbra Katu ang ilang mga lugar sa North Cotabato.

Kabacan PNP, hinikaya’t ang mga mamamayan na makipagtulungan at agad na ireport ang mga pinagdudahang bagay o tao sa paligid


(Kabacan, North Cotabato/August 8, 2012) ---Hinikaya’t ngayon ni P/Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang mga mamamayan ng Kabacan at mga karatig lugar na makipagtulungan sa kanila sa pamamagitan ng pagpaparating ng mga kaukulang impormasyon hinggil sa mga kaduda dudang mga tao o bagay sa mga paligid partikular na sa mga matataong lugar.

Ginawa ng opisyal ang pahayag kasunod na rin ng mga kumakalat na report na may planu umanong pasabugan ng mg a improvised explosive devise ang ilang mga lugar ng North Cotabato kasama na dito ang bayan ng Kabacan.

Patel ng bayan ng Kabacan; bibisitahin ngayong araw ng mga grupo ng Rated K ng ABS-CBN; pagdiriwang ng 97th founding Anniversary ng North cotabato, all set na


(Kabacan, North Cotabato/August 8, 2012) ---Puspusan na ang paghahanda para sa pagdiriwang ng ika siyam na put walong Kalivungan Festival sa lalawigan ng North Cotabato.
        
Magsisimula ang selebrasyon sa agosto ika binte kwatro at tatagal ng isang linggo.
        
Inaabangan ang mga makukulay na presentasyon ng iba’t-ibang kultura at tradisyon sa probinsiya.

IED natagpuan kaninang umaga sa Midsayap, North Cotabato


(Midsayap, North Cotabato/August 7, 2012) ---Isang Improvised Explosive Device o IED na gawa sa bala ng 81mm ang natagpuan ng isang sibilyan sa bayan ng Midsayap, North Cotabato alas 3:20 kaninang umaga.

Ang nasabing IED ay nakasilid umano sa itim na bag.

Mga programa para sa 65th Foundation Anniversary ng Kabacan; niluluto na


(Kabacan, North Cotabato/August 7, 2012) ---Puspusan na ang paghahanda ng pamahalaang lokal ng bayan ng kabacan para sa nalalapit na selebrasyon ng 65th Founding Anniversary ng bayan ng Kabacan.

Ayon kay Human Resource Management Officer Grace Ullo nito pang Hunyo a-23 nagsimula ang Inter Brgy. Basketball tournament sa Municipal Gym ng Kabacan.

Mahigit sa 30 minutong load curtailment, muling ipapatupad sa mga service area na sakop ng Cotelco


(Kabacan, North Cotabato/August 6, 2012) ---Muli na namang magpapatupad ng load curtailment ang Cotabato Electric cooperative o cotelco sa mga service erya na sakop nila dahil sa mababang water reservoir sa Pulangi 4 Hydro electric Power Plant.

Ito ang nabatid mula kay Cotelco Spokesperson Vincent Lore Baguio makaraang bumababa ang power generation ng Planta ng Pulangi mula sa dating 250MW ngayon ay abot na lamang sa 80MW, bukod pa sa force outage ng Mt. Apo Geothermal Plant 2.

Pagsalakay ng BIFM sa Maguindanao, kinondena ng pamunuan ng 6th ID. Philippine Army


(Maguindanao/August 6, 2012) ---Nagpahayag ngayon ng pagkondena ang pamunuan ng 6th ID Philippine Army hinggil sa nangyayaring panghaharass ng mga grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) sa pamumuno ni Kumander Ameril Umbra Katu sa iba’t-ibang mga lugar na sakop ng Maguindanao.

Sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ngayong hapon ni 6th Division Public Affairs Col Prudencio Asto na ang nasabing pag-atake ay isang malaking paglabag sa mga mananampalatayang Islam ngayong panahon ng Ramadan.

11 katao na lulan ng pampasaherong Van, huli dahil sa paglabag sa R.A. 9165 sa Highway ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/August 6, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng 11 katao makaraang mahulihan ng shabu habang sakay sa isang kulay green at gray na Hyundai Van na may plate number XEK 286 alas 2:55 ng madaling araw kahapon sa Rizal St., National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Kinilala ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina: Ramil Labita, 31, reidente ng Libona, Bukidnon; Allan Latif, 43, negosyante at residente ng Tomarompong , Bayang, Lanao del Sur, Mutia Latif, 19, tubong Cagayan de Oro city; Ibrahim Panggadil Pangoa, 30, Real state Broker resident eng Bulalang Cagayan de oro city; Madlain Latif, 44, may asawa resident eng Lanao

1 patay, 2 sugatan ng mabangga ng ambulansiya ang motorsiklo sa Highway ng North Cotabato


(Magpet, North cotabato/August 6, 2012) ---Patay ang isang 55-anyos na ginang habang sugatan ang dalawa katao sa nangyaring vehicular accident makaraang mabangga ng rumaragasang ambulansiya ang isang motorsiklo sa National Higway ng North Cotabato alas 8:30 nitong gabi ng Sabado.

Namatay habang ginagamot sa isang ospital ala 1:30 kahapon ng hapon ang biktima na nakilala sa pangalang Erlinda Asopilla, 55 habang sugatan naman sina Reynello Marzian, 28 at ang isang di pa nakilalang pasahero na resident eng brgy. Kalaisan, Kidapawan City.

DOTC nagsagawa ng area survey sa Mlang Rural Airport


(M’lang, North Cotabato/August 6, 2012) ---Ipinag- utos ni Department of Transportation and Communication o DOTC Sec. Mar Roxas ang pag- survey sa area ng rural airport na nakabase sa bayan ng Mlang sa North Cotabato.

Binubuo ng apat na miyembro ang DOTC survey team sa pangunguna ni Engr. Nestor Bravo.

Kamakalawa, nadatnan ng survey team ang mga sundalong pansamantalang ginagamit bilang kampo ang non- operational na rural airport, ito batay sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

4 na mga CAFGU, sugatan makaraang hinagisan ang detachment ng sundalo sa Pikit, Cotabato


(Pikit, North Cotabato/August 6, 2012) ---Isang granada ang inihagis ng mga di pa nakilalang mga suspek sakay sa isang riding in tandem na motorsiklo alas 12:30 kaninang umaga sa Tinibtiban partikular sa detachment ng mga sundalo, sa brgfy Batulawan, Pikit cotabato.

Ang nasabing insedente ay ikinasugat ng apat na mga CAFGU na kinilalang sina Arman singgon,  Ireckson Prenal, Jigg Oracoy, Crisito Nery at isang Mrs ng SCAA.

Agad naman tumalilis ang mga suspek papatakas sa bahagi ng Brgy. Balkatikan, Pikit.