Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga sundalo, magsasagawa ng supplemental food feeding sa mga bata sa Maguindanao


(Datu Montawal, Maguindanao/August 9, 2012) ---Sa layuning mahupa ang pangamba ng mga kabataan sa isang liblib na barangay sa bayan ng Datu Montawal, sa Maguindanao, mangunguna ang mga tropa ng Alpha company, 7th IB sa isang supplemental food feeding, ngayong linggo.
       
Nagbabalak ang pamunuan ng kumpanya na magbigay ng  feeding program sa mga bata ng Barangay Talapas na naging biktima ng sagupaan ng ilang rebeldeng grupo sa lugar kamakailan.

       
Gagawin ito sa isang primary school sa lugar na abot sa isang daan at dalawampung mga bata ang nakapag enrol ngunit higit tatlumput lima lamang ang pumapasok dahil na rin sa pagkaipit ng ilan sa mga ito sa gyera.
       
Sinabi ni Lt. Larry Valdez, commanding officer ng tropa na magbibigay sila ng tulong upang kahit paano ay ma-engganyo ang mga bata na pumasok sa paaralan.
       
Nagpasalamat naman si Milamba Mindalagat, isa sa mga volunteer teacher sa paaralan, sa inisyatibo ng mga sundalo dahil kung maisasakatuparan nga ang aktibidad, malaking tulong daw ito sa mga bata dahil ilan sa kanila, takot pa ring pumasok sa paaralan dahil baka maulit ang mga nakaraang kaguluhan.





0 comments:

Mag-post ng isang Komento