(Libungan, North
Cotabato/August 9, 2012) ---Ipinarada ng mga Libunganon ang iba’t- ibang uri ng
kakanin na matitikman sa kanilang lugar.
Nais ipagmalaki ng
mga Libunganon ang sarap ng kanilang mga native delicacies na karamihan ay gawa
mula sa bigas. Paraan na din umano ito ng pagpapasalamat sa magandang ani, ito
ayon sa report ni PPALMA News
Correspondent Roderick Bautista.
Binigyang- diin
naman ni Libungan Mayor Manuel dela Serna na malaki ang pasasalamat nito sa
opisina ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan dahil sa
mga proyektong naipatupad sa kanilang bayan.
Kabilang sa
implemented projects na ito ay ang mga sementadong kalsada, rehabilitasyon ng
Grebona bridge, Libungan river flood control project, feeding program, health
services, high value crops development program at marami pang iba.
Hindi man nakadalo
sa mismong Araw ng Libungan si Cong. Sacdalan, ipinapaabot nito ang pagbati sa
bawat Libunganon. Una nang sinabi ng opisyal na tuloy- tuloy ang mga proyektong
ipapatupad sa bayan ng Libungan. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento