(Kabacan, North Cotabato/August 10, 2012) ---Patuloy
ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring kambal na
pagsabog sa North Cotabato ngayong gabi lamang.
Isang granada ang sumabog sa bubong ng
Quaknet Internet Café na naglikha ng malaking pinsala sa itaas na bahagi ng
nasabing establisiemento.
Nabatid na wala namang mga customers ang
nasabing internet café ng mangyari ang insedente.
Wala ring tao sa lugar ng pasukin ng mga
otoridad.
Una na ring iniulat ng DXVL na walang
nasaktan o nasawi na naturang pagsabog.
Pero sa ngayon patuloy na inaalam ng mga
otoridad kung sinu ang naghagis ng nasabing granada.
Habang nagkakagulo dito sa bayan ng Kabacan
dahil sa naganap na pagsabog sa isang net shop, isa pang explosion ang naganap
sa bayan ng M’lang, bandang alas 8:30ngayong gabi lamang.
Sa
report ng PNP, inilagay ang bomba sa isang kanal sa may bagsakan ng gulay sa
boundary ng Barangay Poblacion at Dungguan sa national highway.
Wala
namang nasugatan o nasawi sa naturang pagsabog, ayon sa report.
Naganap
ang mga pagsabog habang humuhupa na ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng
gubyerno at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Maguindanao.
Ito
na ang ikatlong pagsabog na naganap sa lalawigan ng North Cotabato, simula
nito’ng Lunes.
Ang
una ay sa bayan ng Pikit kung saan pinasabugan ng di kilalang mga suspect ang
detachment ng CAFGU na nagresulta sa pagkakasugat ng lima katao, apat rito mga
CAFGU.
Inaalam
pa ng mga awtoridad kung ang mga pagsabog ay kinalaman sa giyera sa Maguindanao
o gawa lamang ng isang grupo na nais sakyan ang isyu para lalo pang gumulo ang
sitwasyon sa bahagi’ng ito ng Mindanao.
Ngayong gabi lamang, muli na namang kumakalat
ang mga text messages hinggil sa mga lugar at mga target na estbalisiemento na
pasasabugan, na siya namang pinawi ngayon ng mga otoridad. ((Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento