Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga programa para sa 65th Foundation Anniversary ng Kabacan; niluluto na


(Kabacan, North Cotabato/August 7, 2012) ---Puspusan na ang paghahanda ng pamahalaang lokal ng bayan ng kabacan para sa nalalapit na selebrasyon ng 65th Founding Anniversary ng bayan ng Kabacan.

Ayon kay Human Resource Management Officer Grace Ullo nito pang Hunyo a-23 nagsimula ang Inter Brgy. Basketball tournament sa Municipal Gym ng Kabacan.

Kabilang sa mga aktibidad na inihanda ng LGU Kabacan para sa nasabing fiesta ay ang Search for Functional BCPC at Search for Best ESWM Barangay Implementor, Lawn Tennis tournament at 10-Ball Billiard tournament sa Mezada Hall sa August 8.

Sa Agosto 15 naman, itatampok ang Alay Gupit para sa Mamamayan, Inter-faith thanksgiving service, Agri-Trade Fair, Brgy. Day, Motocross competition.

Sa araw ding iyon hanggang sa Agosto 16 ay isasagawa ang Free Registration of Livebirth Certificate sa Munisipyo, DIANA, “Takbo at Padyak Ko, Edukasyon Mo”, Medical, Dental at Bloodletting na isasagawa naman sa Municipal Plaza, Himig Sayaw at Musika –folk dance competition na gagawin naman sa Mun. Gym at Search for Ms. Gay Persona 2012.

Mula naman sa Agosto 17 hanggang sa 18, isasagawa ang Drum & Lyre Competition, Himig Sayaw at Musika—Hiphop competition, Employment Caravan, Grand Anniversary Parade na magsisimula sa KPCS Ground alas 6:30 ng umaga sa August 18 at susundan ng Anniversary program alas 9:00 ng umaga at gaya-gaya portion sa hapon.

Nakatuon ang selebrasyon sa temang “Kabakenos, Nagkakaisa para sa hapon ng Climate Change”. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento