Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(BREAKING NEWS) Isang Internet Café sa Kabacan, pinasabugan


(Kabacan, North Cotabato/August 10, 2012) ---Muli na namang niyanig ng malakas na pagsabog ang bayan ng Kabacan bago mag alas 9:00 ngayong gabi lamang.
Batay sa report ng Kabacan PNP, isang malakas na uri ng pampasabog ang diumano’y inihagis sa bubong ng Quaknet internet café na nasa National Highway at Bonifacio St., Poblacion ng bayang ito.
Agad namang kinordon ng mga otoridad ang paligid na pinangyarihan ng pagsabog.

Sa panayam ng DXVL News kay P/Insp. Tirso Pascual, malaki ang nilikhang butas sa bubong ng nasabing internet café.
Maswerte namang walang nasawi o nasugatan sa nangyaring pagsabog.
May ilang mga fragmentation na narekober ang mga otoridad na kasalukuyang denidetermina pa ng EOD team kung anung klaseng pampasabog ang gumulantang sa bayan ng kabacan.
Maliban dito, iniulat din ang pagsabog ng isang malakas na uri ng pampasabog ang bayan ng M’lang ilang minute ang nakalipas makaraang niyanig ng pagsabog ang Kabacan.
Sa ngayon patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang kambal na pagsabog sa probinsiya ng North Cotabato ngayong gabi lamang. ((Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento