(Kabacan,
North Cotabato/August 10, 2012) ---Imbes na pag-asa ng bayan ang mga kabataan,
magiging madilim ang kinabukasan ng dalawang menor de edad makaraang masangkot
sa pagtutulak ng illegal na droga sa bayan ng Kabacan.
Ito
makaraang mahuli ang dalawa kasama ang isang nakilalang Datu Mama Lawi Sultan,
40, may asawa at residente ng Mantawil St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.
Si Sultan
ay nahuli ng mga pulisya sa isinagawang buybust operation sa mismong bahay nito
alas 11:10 kaninang umaga.
Nanguna sa
operasyon si P/Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP at si Task Force
Chrislam P/Insp. Tirso Pascual.
Kinilala
naman ng mga opisyal ang mga menor de edad na nahuli na sina: Nasrodin Naud,
17, OSY at resident eng Kayaga at Jayson Sabal, 16 residente ng bayan ng
Matalam.
Narekober
ang 2 plastic heat sealed sachet sa isinagawang buybust operation, habang
nakuha naman sa posisyon ng mga ito ang apat na piraso ng heat sealed
transparent sachet, marked money na
dalawang piraso ng P500 piso bills, isang malaking plastic sachet na
naglalaman ng tinatayang mahigit sa P35,000.00 na shabu maliban pa sa mga
plastic cellophane at cash money na nagkakahalaga ng P4,750.00.
Nabatid na
si Sultan ay dati na ring nakulong dahil sa pagtutulak ng illegal na droga
subalit naibasura ang kaso nito, ayon sa report.
Sumaksi sa
operasyon ng Kabacan PNP si Brgy. Poblacion Kagawad Dominador “Mike” Remulta at
DOJ Rep. Franlin Micutuan.
Sa ngayon
inihahanda na ng Kabacan PNP ang kasong paglabag sa R.A. 9165 o comprehensive
Dangerous Drugs Act of 2002. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento