(Magpet,
North cotabato/August 6, 2012) ---Patay ang isang 55-anyos na ginang habang
sugatan ang dalawa katao sa nangyaring vehicular accident makaraang mabangga ng
rumaragasang ambulansiya ang isang motorsiklo sa National Higway ng North Cotabato
alas 8:30 nitong gabi ng Sabado.
Namatay
habang ginagamot sa isang ospital ala 1:30 kahapon ng hapon ang biktima na
nakilala sa pangalang Erlinda Asopilla, 55 habang sugatan naman sina Reynello
Marzian, 28 at ang isang di pa nakilalang pasahero na resident eng brgy.
Kalaisan, Kidapawan City.
Minamaneho
umano ni Marzian ang Bajaj Motorcycle ng mabangga ito ng rumaragasang
ambulansiya na pag-mamay ari ng LGU Magpet na minamaneho ni Alvin Montales, 28
ng nabanggit na bayan.
Ayon
kay Montales, lulan umano nito ang isang buntis na ginang papunta sa Cotabato
Provincial Hospital sa Amas Complex ng mangyari ang insedente.
Sa
ngayon patuloy pang iniimbestigahan ang nasabing pangyayari. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento