Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

DOTC nagsagawa ng area survey sa Mlang Rural Airport


(M’lang, North Cotabato/August 6, 2012) ---Ipinag- utos ni Department of Transportation and Communication o DOTC Sec. Mar Roxas ang pag- survey sa area ng rural airport na nakabase sa bayan ng Mlang sa North Cotabato.

Binubuo ng apat na miyembro ang DOTC survey team sa pangunguna ni Engr. Nestor Bravo.

Kamakalawa, nadatnan ng survey team ang mga sundalong pansamantalang ginagamit bilang kampo ang non- operational na rural airport, ito batay sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Bilang chairperson ng House Committee on Peace, Reconciliation, and Unity, inatasan ng gobyerno si North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan na panguluhan ang pagpapatapos ng airport sa Mlang.

Ayon kay Cong. Sacdalans, may P160 Milyon initial budget na para maging operational ang nasabing paliparan.

Dagdag ng opisyal, bago iimplementa ang proyekto ay dapat isagawa muna ang nasabing survey upang umakma sa standard specifications ng DOTC.

Aminado naman ang mga opisyal ng DOTC na marami pang kakulangan sa airport tulad ng tower, pagpapalapad ng runway, at access roads. (RRB)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento