Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dried marijuana leaves, nakumpiska sa isang menor de edad sa highway inspection ng mga sundalo sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/August 9, 2012) ---Arestado ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang mahulihan ng dried Marijuan leaves sa highway inspection ng 7th IB, Philippine Army sa Check/choke point nila sa brgy Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 6:25 kagabi.

Kinilala ang nahuli na si Sadam Talib, walang asawa at resident eng Purok Lugit, Kilagasan ng nabanggit na bayan.


Nanguna sa pag-aresto sa suspek si Sgt. Genaro Macasarte ng 7th IB makaraang may intelligence report silang natanggap na may idadaang marijuana sakay sa isang kulay pula na Bajaj Kawasaki 100 at walang plate number.

Dalawang mga nakabalot sa newspaper na mga Marijuan ang narekober sa suspek na inilagay pa nito sa kanyang bayway, bukod pa sa dalawang pirasong “Alco”.

Nagawa pa ng suspek na tumakas subalit nasukol naman ito ng mga military.

Agad namang ini-turn-over ang suspek kay Kabacan PNP Intelligence and Investigation Officer P/Insp. Tirso Pascual.

Sa ngayon, inihahanda na ng mga otoridad ang kasong isasampa kontra sa suspek hinggil sa paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento