Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga motorista, pinayuhan ng mga otoridad na wag munang magbiyahe kapag gabi sa Highway ng Pikit dahil sa banta ng seguridad sa lugar


(Pikit, North Cotabato/August 9, 2012) ---Pinayuhan ngayon ni Commanding Officer ng 7th IB, PA, Lt. Col. Benjamin Hao ang mga motorista na wag munang magbiyahe kapag gabi na kapag dadaan sa highway ng Pikit, North Cotabato.

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos na namataan ang presensiya diumano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter ng BIFM sa ilalim ng pamumuno ni Ameril Umbra Kato sa ilang mga Barangay ng Pikit.

Kaugnay nito, pansamantala nilang isinara ang highway kung gabi, pero tiniyak naman ng opisyal na balik sa normal ang biyahe ng mga motorista kapag araw.

Kontrolado naman nila ang erya matapos na ipinakalat sa mga pangunahing lansangan at mga lugar partikular mula sa mga National Highway ang pwersa ng militar, pulisya at ilan pang mga augmentation team.

Kaugnay nito, aminado si Hao na may malaking banta sa seguridad sa mga area of responsibility na sakop nila, ito dahil sa may planu umanong guluhin ng mga rebeldeng grupo ang ilang mga bayan sa North Cotabato.

Kaya ang kooperasyon ng taong bayan ang ngayong kanilang hinihingi. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento