Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

11 katao na lulan ng pampasaherong Van, huli dahil sa paglabag sa R.A. 9165 sa Highway ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/August 6, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng 11 katao makaraang mahulihan ng shabu habang sakay sa isang kulay green at gray na Hyundai Van na may plate number XEK 286 alas 2:55 ng madaling araw kahapon sa Rizal St., National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Kinilala ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina: Ramil Labita, 31, reidente ng Libona, Bukidnon; Allan Latif, 43, negosyante at residente ng Tomarompong , Bayang, Lanao del Sur, Mutia Latif, 19, tubong Cagayan de Oro city; Ibrahim Panggadil Pangoa, 30, Real state Broker resident eng Bulalang Cagayan de oro city; Madlain Latif, 44, may asawa resident eng Lanao
sur, Nasssief Lacuna, 27; Elias Tahir, 33, tricycle driver at residente ng brgy. Santa Cruz, Koronadal city; Abdul Karim Pangoa, 20 residente ng Marawi City; Abdulrakhem Palwan Mauntol, 51 residente ng Miondas Tamparan, Lanao del Sur; Noraima Somatra, 31 residente ng Nusa Lumba Ranao (Watu) Lanao del sur at isang Sohoina Pangoa na tumakas pero agad namang naaresto ng mga otoridad.

Nanguna sa pag-aresto sa mga suspek si Task Force Krislam, Deputy for Operation and Intelligence P/Insp. Tirso Pascual, kasama ang mga elemento ng Kabacan PNP, ito makaraang duda sila sa mga pasahero ng nasabing Van ng huminto ito sa harap ng Mercury Drug store.

Nang tanungin ng mga pulis ang driver kung saan ang biyahe nila, tila kabado na ang driver, kung kaya’t agad na ikinasa nila ang inspeksiyon sa mga pasahero.

Isang babae ang lumukso mula sa bintana ng sasakyan at kumaripas ng takbo papunta sa madilim na bahagi ng Abellera St., pero nasukol pa rin ito ng mga pulisya

Sa front seat nakita ang nakabukas na 2 piraso ng plastic heat sachet na naglalaman ng shabu bukod pa sa ilang mga illegal drugs paraphernalia’s na narekober sa mga ito.

Sa ngayon inihahanda na ng Kabacan PNP ang kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga ito. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento