(Libungan,
North Cotabato/August 9, 2012) --- Partikular na maapektuhan sa pagsasaayos ng
mga irrigation canal sa unang distrito ng North Cotabato ay ang service area ng
Libungan River Irrigation System o LibRIS.
Patuloy
ang ugnayan ng opisina ni Cong. Jesus Sacdalan sa National Irrigation
Administration o NIA kaugnay sa programang ito upang suportahan ang mandato ng
pamahalaang nasyunal na itaguyod ang food security and self sufficiency sa
bansa.
Ayon
kay Congressional District Office Political Affairs Officer Engr. Jerry
Pieldad, kabilang sa proyekto ay ang mga sumusunod; 492 meter- canal lining sa
LibRIS Lateral A, 951 meter- canal lining sa LibRIS Lateral B, at 2.66
kilometer- canal lining mula sa Lateral A Head Gate hanggang sa Lateral D Head
Gate ng LiBRIS Main Canal.
Nais
ding ipaalam ng opisyal na nangako naman ang kinomisyong contructor na
bibilisan ang implementasyon ng proyekto.
Sisikapin
umanong tapusin ng mga contractor ang nasabing rehabilitasyon ng irrigation
facilities sa loob ng dalawang buwan.
Ito ay upang hindi lubhang maapektuhan ang
paghahanda ng mga magsasaka para sa susunod na cropping season. (Correspondent Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento