(Kabacan, North Cotabato/August 6, 2012) ---Muli
na namang magpapatupad ng load curtailment ang Cotabato Electric cooperative o
cotelco sa mga service erya na sakop nila dahil sa mababang water reservoir sa
Pulangi 4 Hydro electric Power Plant.
Ito ang nabatid mula kay Cotelco
Spokesperson Vincent Lore Baguio makaraang bumababa ang power generation ng
Planta ng Pulangi mula sa dating 250MW ngayon ay abot na lamang sa 80MW, bukod
pa sa force outage ng Mt. Apo Geothermal Plant 2.
Kaugnay nito sinabi ni Baguio na posibleng
mararamdaman naman ng mga konsumidures ng cotelco ang mahigit sa 30 minutong
power interruption batay sa ipapalabas na schedule ng National Grid Corporation
of the Philippine o NGCP.
Sa ipinadalang kalatas ng cotelco, ang
feeder 12 kaliwang bahagi ng Higway papuntang Cotabato City, kasama na ang
Carmen, Banisilan at Kabacan ay makakaranas ng pagkawala ng kuryente mula alas
12:30 ng hapon hanggang ala 1:00 ng hapon at alas 6:30 ng gabi hanggang alas
7:00 ng gabi.
Samantala ang Feeder 11 naman ay mawawalan
ng supply ng kuryente sa mga oras ng alas 11:30 ng umaga hanggang alas 12 ng
tanghali at 7:30 ng gabi at hanggang alas 8:00 ng gabi. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento