Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagsalakay ng BIFM sa Maguindanao, kinondena ng pamunuan ng 6th ID. Philippine Army


(Maguindanao/August 6, 2012) ---Nagpahayag ngayon ng pagkondena ang pamunuan ng 6th ID Philippine Army hinggil sa nangyayaring panghaharass ng mga grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) sa pamumuno ni Kumander Ameril Umbra Katu sa iba’t-ibang mga lugar na sakop ng Maguindanao.

Sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ngayong hapon ni 6th Division Public Affairs Col Prudencio Asto na ang nasabing pag-atake ay isang malaking paglabag sa mga mananampalatayang Islam ngayong panahon ng Ramadan.

Una dito, ipinakalat na ang tropa ng 1st mechanized brigade para magbantay sa erya.

Ayon kay Asto, pansamantala muna nilang hinarang ang mga bumibiyahe sa National Highway na dadaan sa erya ng Maguindanao dahil sa tensiyon na nangyayari ngayon.

Hindi pa umano ligtas ang highway na dadaan sa mga lugar kagaya ng Ampatuan, Datu Unsay, Shariff Aguak, Datu Saudi at Guindulungan Maguindanao dahil sa presensiya ng mahigit sa isang daang mga armadong grupo na sakop ng BIFM.

Nabatid na dalawa na ang patay sa panig ng kalaban habang isa ang sugatan sa militar na nakilalang si Lt. Aguilar.

Una dito, nilinaw ni Asto na hindi hi-nostage ang abot sa isang libung mga residente ng brgy. Saniag na sakop ng lalawigan ng Maguindanao, kundi dumaan lamang ang tropa ng mga armadong grupo sa lugar.

Sa panig naman ng MILF, hindi nagbigay ng kumento dito si MILF Spokesperson Von Al Haq dahil maliwanag na hindi nila kaalyado si Katu at sila ang itinuturing na mga break away group.

Ang pagsalakay umano ng grupo ng BIFM ay bilang retaliation nila makaraang mapatay ang isa sa mga kasamahan nila sa nangyaring sagupaan sa Camp Alfaro sa Shariff Aguak ng tropa ng 1st mechanized brigade nitong nakaraang buwan ng Hunyo at walang kinalaman dito ang napipintong paglagda ng usapang pangkapayapaan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento