(Kabacan,
North Cotabato/August 8, 2012) ---Hinikaya’t ngayon ni P/Supt. Raul Supiter,
hepe ng Kabacan PNP ang mga mamamayan ng Kabacan at mga karatig lugar na
makipagtulungan sa kanila sa pamamagitan ng pagpaparating ng mga kaukulang
impormasyon hinggil sa mga kaduda dudang mga tao o bagay sa mga paligid
partikular na sa mga matataong lugar.
Ginawa ng
opisyal ang pahayag kasunod na rin ng mga kumakalat na report na may planu
umanong pasabugan ng mg a improvised explosive devise ang ilang mga lugar ng
North Cotabato kasama na dito ang bayan ng Kabacan.
Kaugnay
nito, mas pinaigting pa ngayon ng Kabacan PNP ang kanilang pagbabantay sa sa
buoang area of responsibility nila partikular na ang Poblacion Kabacan.
Ipinakakalat
na rin ng opisyal ang ilang mga pwersa ng Pulisya, Police auxillary at maging
police Patrol na siyang magdadagdag bantay sa lugar kasama na ang pag-iikot ng
K9 Unit o Sniffing dog sa terminal at sa mga pampublikong pamilihan ng Kabacan.
Panawagan
pa ng opisyal partikular sa mga security guard ng bawat establisiemento at maging
sa mga tindera na maging vigilante rin sa paligid.
Kaugnay
nito, hinikaya’t din ng opisyal na agad na ireport sa kanila ang mga anumang
krimen o pangyayari na may pagdududa sa inyung mga paligid sa Cell phone number
ni Supt. Supiter sa: 0999-9917-538. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento