Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PCOS Machines, dumating na sa Comelec Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ May 3, 2013) ---Dumating na ngayong hapon sa Commission on Elections o Comelec Kabacan ang mga Precinct Count Optical Scan o PCOS Machine.

Ang nasabing mga makina ay kinuha sa comelec Provincial Office ala 1:00 ng hapon kanina.

Candidate forum sa pagka-gobernador sa Probinsiya ng North Cotabato; isinagawa


(Kidapawan City/ May 3, 2013) ---Humarap ang dalawang kandidato sa pagka-goberandor sa probinsiya ng North Cotabato sa isinagawang candidate forum ng Chamber of Commerce Kidapawan at ng media organization sa nasabing lungsod kaninang umaga.

Sa umpisa pa lamang ng forum naging mainit ang nasabing diskusyon kungsaan binigyan ng isang minutong pambungad na pananalita sina incumbent Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at gubernatorial candidate at dating Gov. Emmanuel “Manny” Piñol.

DXVL Botohan 2013: Kasikatan at Pagiging Mayaman, wag gawing basehan sa pagboto ng kandidato –ayon sa isang movement sa North Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ May 3, 2013) ---Iginiit ngayon ng bagong tatag na Lay Solidarity Movement sa Kidapawan city na hindi dapat maging basehan ang kasikatan at pagiging mayaman sa  pagboto ng kandidato.

Ayon sa grupo, madalas na pinipili ng mga botante sa bawat eleksiyon ay ang mga sikat at maperang kandidato.

Kriminalidad pinangangambahang tumaas dahil sa brown-out sa North Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ May 3, 2013) ---Posibleng tumaas ang numero ng mga kriminalidad sa probinsya ng North Cotabato habang papalapit ang eleksyon.

pinangangambahang samantalahin ng mga kriminal at mga masasamang tao ang serye ng mga brownout tuwing gabi sa paggawa ngng krimen.

CAFGU, dinukot ng mga pinaniniwalaang NPA sa Arakan, North Cotabato


(Arakan, North Cotabato/ May 3, 2013) ---Dinukot ng mga pinaniniwalaang 50 armadong rebeldeng grupo ang isang kasapi ng Civilian Auxiliary Army o CAA sa isang remote na brgy. sa bayan ng Arakan, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ni 57th IB Civil military Lt. Nasrullah Sema ang biktima na si Hilario Cambel, dating kasapi ng para-military group sa ilalim ng 38th IB at residente ng Barangay Kabalantian, Arakan.

Minero; patay makaraang pagtatagain sa South Cotabato


(Tampakan, South Cotabato/ May 2, 2013) ---Pinugutan ng ulo ang isang illegal na minero sa Purok. Lumanta, Brgy. Tablu, Tampakan, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ng Pulisya ang biktima na si Benigno Satore, legal age at tubong Pantukan, Compostela Valley.

Pag-urong ng kandidatura ng anak ng namayapang Pol Dulay sa pagka Vice Mayoralty, pinabulaanan


(Kabacan, North Cotabato/ May 2, 2013) ---Mariing pinabulaanan ngayon ni vice Mayoralty Candidate Myra Dulay ang mga kumakalat na balitang, iniatras umano nito ang kanyang kandidatura bilang bise alkalde ng bayan.

Sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan kay Dulay, walang katotohanan umano ang mga umuugong na balita at sa katunayan, ipinupursige nito ang kanyang pagtakbo makaraang mag-file siya ng kanyang kandidatura noong Pebrero a-7 bilang kahalili sa kanyang yumaong ama.

Jobs Fair, nagsimula na sa Kidapawan City


(Kidaapwan City/ May 1, 2013) ---Nananawagan ngayon si Dept. of Labor and Employment o DOLE North Cotabato Field Office Labor Officer Edna Sales sa lahat ng mga job seekers na samantalahin ang jobs fair na isinasagawa ngayon sa Kidapawan City. Kasabay ng Labor Day ngayong araw.

Sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan sa opisyal, gagawin ang nasabing aktibidad sa DepEd Convention sa Kidapawan Pilot Central Elementary School na nagsimula kaninang alas 8:30 ng umaga hanggang mamayang hapon.

Iba’t-ibang food products buhat sa Niyog; ituturong bilang Livelihood program ng isang NGO sa pamamagitan ng religious sector sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ May 1, 2013) ---Magtuturo ang UPLOADS Jobs for Mindanao, isang Non government Organization o NGO ng iba’t-ibang livelihood programs sa darating na a-Singko ng Mayo sa Kabacan.

Ayon kay Project Coordinator Sonia Almazan layon nito na maturuan ang mga partisipante, mga miyembro ng simbahan ng kaalaman hinggil sa iba’t-ibang pagluto at proseso ng paggawa ng pagkain buhat sa Niyog na maaring maibenta para sa dagdag kita ng pamilya o maari ring pangkabuhayan.

Moro People’s CORE, nagsagawa ng Lecture on Capability Build-up sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ May 1, 2013) ---Bilang pangunahing programa ng Moro People’s Core, nagsagawa ng Lecture on Capability Build-up ang organisasyon saknilang tanggapan na makikita sa USM Avenue, Kabacan, Cotabato, kamakalawa.

Ayon kay Moro P’Core Executive Director Zaynab Ampatuan naging kalahok sa nasabing aktibidad ang mga mag-aaral ng Kuntaw-Silat sa Barangay Poblacion ng nabanggit na bayan.

Force Multipliers ng PNP, bahagi ng pagpapalakas ng tiwala ng taong bayan sa kapulisan


(Kabacan, North Cotabato/ May 1, 2013) ---Nagpakalat ng karagdagang police force ang Kabacan PNP partikular sa mga matataong lugar tulad ng palengke, paaralan at business establishments.

Ayon kay Kabacan Chief of Police Supt. Leo Ajero, ito ay para mapalakas pa ng kapulisan ang pagbabantay laban sa mga masasamang loob na naglipana ngayon sa bayan.

2 Patay 1 sugatan sa banggaan ng motorsiklo at truck sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ April 30, 2013) ---Patay ang dalawa katao habang sugatan ang isa pa makaraang masangkot sa aksidente sa daan ang sinasakyang motorsiklo alas 5:15 ng madaling araw kanina sa Matalam, North Cotabato.

Kinilala ng Matalam PNP ang mga binawian ng buhay na si Efren Cabayao, 55, may asawa, driver ng Kawasaki Bajaj at si Bernabe Balanag, backrider kapwa residente ng nabanggit na bayan.

Pulis na dinukot sa Cotabato Province, di pa natuntun ang kinaroroonan


(Pres. Roxas, North Cotabato/ April 30, 2013) ---Labis-labis na ang pagkabahala ngayon ng asawa at mga kaanak ni PO3 Maula Ali ng Arakan PNP na dinukot ng mga armadong kalalakihan sa Brgy. Bato, President Roxas habang papunta sa kanyang farm lot noong April 19.

Ito ay makaraang lumipas na ang mahigit isang linggo pero   wala pa ring balita ang pamilya sa kinaroroonan ng biktima.

“Black Propaganda, wag magpadala” –Cong. Catamco

(Kidapawan City/ April 29, 2013) ---Tinawag ngayong black propaganda ni 2nd District Representative Nancy Catamco ang mga lumalabas na paninira laban sa kanya at iginiit nitong walang katotohanan ang mga paratang ng mga kalaban nito sa pulitika.

Ito ang naging reaksiyon ng kongresista makaraang lumabas ang mga kumakalat na posters na kaalyado na umano nito si dating Governor Manny Piñol na ngayon ay tumatakbo bilang gobernador sa probinsiya sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition o NPC.

Illegal Quarry sa bayan ng Matalam, talamak; mahigit 10 mga operators na lumalabag huli ng Matalam PNP


(Matalam, North Cotabato/ April 29, 2013) ---Nagpapatuloy ngayon ang serye ng operasyon ng Matalam PNP hinggil sa talamak na illegal quarry at transportation ng sand and gravel sa mga brgy sa bayan ng Matalam.

Ayon kay Operation Officer SP04 Froilan Gravidez ng Matalam PNP katunayan isa katao ang kanilang nahuli noong Sabado ng umaga.

Ilang Service erya na sakop ng Cotelco sa Kabacan; nakaranas ng 9 na oras na brown out kahapon


(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2013) ---Abot sa siyam na oras na brown-out ang naranasan ng ilang mga service erya na sakop ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco kahapon.

Batay sa impormasyon, nagkaroon umano ng pay-outing sa substation ng feeder line 336 conductor wire at rehabilitasyon ng 69KV line ng cotelco dahilan ng nasabing mahabang kalawan ng kuryente kahapon.

Deployment ng mga police sa Kabacan, pinalalakas –hepe ng Kabacan PNP


(Carmen, North Cotabato/ April 29, 2013) ---Mas pinalalakas pa ngayon ng Kabacan PNP ang kanilang deployment sa kanilang tropa para tiyakin ang seguridad sa bawat sulok ng Kabacan, partikular sa Poblacion.

Ito ang inihayag ni Supt. Leo Ajero sa panayam sa kanya ng DXVL 94.9 Radyo ng Bayan kungsaan ang nabanggit na lugar ang kadalasang pinangyayarihan ng krimen.

Pagbaril sa kandidatong tumatakbo bilang Board member, walang katotohanan -PNP


(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2013) ---Walang katotohanan ang mga kumakalat na ulat na may isang kandidatong tumatakbo bilang board member ng 3rd District ng North Cotabato na binaril diumano sa Kabacan, pasado alas 5:00 kahapon.

Ito ang kinumpirma ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP sa panayam sa kanya ng DXVL Radyo ng Bayan.

Tumatakbong councilor sa bayan ng Banisilan, North Cotabato; patay sa pamamaril

(Banisilan, North Cotabato/ April 29, 2013) ---Patay ang isang tumatakbong councilor sa ilalim ng partidong UNA sa bayan ng Banisilan makaraang pagbabarilin sa Purok New Paradise, Poblacion ng nabanggit na bayan bago mag-alas 7:00 kagabi.

Kinilala ng Banisilan Police ang biktima na si Omar Cabilo Gapor residente ng nabanggit na lugar, kandidato sa pagka konsehal.