Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagbaril sa kandidatong tumatakbo bilang Board member, walang katotohanan -PNP


(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2013) ---Walang katotohanan ang mga kumakalat na ulat na may isang kandidatong tumatakbo bilang board member ng 3rd District ng North Cotabato na binaril diumano sa Kabacan, pasado alas 5:00 kahapon.

Ito ang kinumpirma ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP sa panayam sa kanya ng DXVL Radyo ng Bayan.

Aniya, agad nitong pinuntahan ng kanyang tropa ang USM Avenue kungsaan nangyari ang insedente pero negatibo ang nasabing reports na binaril umano ang kandidatong si Board member Joemar Cerebo, dating Vice Mayor ng Tulunan, ayon kay Ajero.

Kaugnay nito, sinabi ni Ajero na naging mapayapa at matiwasay ang nagdaang weekends sa Kabacan dahil wala namang may mga malalaking insedente na naireport sa kanilang himpilan.

Sa ngayon pinalalakas nila ang police visibility at koordinasyon sa militar para tiyaking maayos at mapayapa ang nagpapatuloy na kampanya sa lokal na posisyon sa bayan. (Rhoderick Beñez)
(Supt. Leo

0 comments:

Mag-post ng isang Komento