Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Illegal Quarry sa bayan ng Matalam, talamak; mahigit 10 mga operators na lumalabag huli ng Matalam PNP


(Matalam, North Cotabato/ April 29, 2013) ---Nagpapatuloy ngayon ang serye ng operasyon ng Matalam PNP hinggil sa talamak na illegal quarry at transportation ng sand and gravel sa mga brgy sa bayan ng Matalam.

Ayon kay Operation Officer SP04 Froilan Gravidez ng Matalam PNP katunayan isa katao ang kanilang nahuli noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang nasabing operator na si Oscar Labagnao, nasa tamang edad at residente ng Sitio Lambayao, Brgy. Kibia ng nabanggit na bayan.

Nahuli ang suspek lulan ang 3 cubic meter ng mga bato sakay sa isang Isuzu Elf buhat sa quarry brgy ng Estado at Marbel.

Sinabi ni Gravidez na wala ng operation permit ang mga quarry sites sa lugar pero patuloy pa rin ang kanilang operasyon, kaya maituturing na itong illegal quarry.

Ang operasyon ng PNP na hulihin ang mga operators na lumalabag ay batay sa inilabas na Executive order #:03 ni Gov. Lala Taliño Mendoza series of 2012 na may petsang February 27, 2012.

Pinalawig pa ito ng Provincial government noong huling quarter ng nakaraang taon pero karamihan sa mga operators ng quarry sa bayan ng Matalam ay di nakapag-renew ng permit, ito batay na rin sa Provincial Mining and Regulatory Board PMRB sa ilalim ng Provincial Treasurer’s Office.

Ayon sa Matalam PNP, abot na sa 10 katao ang kanilang nahuli mula buwan ng Disyembre ng nakaraang taon.

Nanguna sa nasabing operasyon ang Provincial Mining and Regulatory Board na pinamumunuan ni Admin Officer II Myla Batucan at ng PNP Matalam sa pangunguna ni PSI Elias Dandan, hepe ng Matalam PNP. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento