(Kidapawan City/ April 29, 2013) ---Tinawag
ngayong black propaganda ni 2nd District Representative Nancy
Catamco ang mga lumalabas na paninira laban sa kanya at iginiit nitong walang
katotohanan ang mga paratang ng mga kalaban nito sa pulitika.
Ito ang naging reaksiyon ng kongresista
makaraang lumabas ang mga kumakalat na posters na kaalyado na umano nito si
dating Governor Manny Piñol na ngayon ay tumatakbo bilang gobernador sa
probinsiya sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition o NPC.
Nabatid na si Catamco ay tumatakbo sa
ikalawang termino bilang kongresista sa ikalawang distrito ng North Cotabato sa
ilalim ng Liberal Party.
Aniya, paninira lamang ito sa kanyang
liderato at sa kredibilidad niya bilang boses ng taong bayan sa distrito dos ng
North Cotabato sa kongreso.
Sinabi ni Catamco na tapat pa rin siya sa
kanyang kinasasanibang partidong Liberal at si incumbent Gov. Lala Mendoza pa
rin ang sinusuportahang nitong gobernador.
Hinamon din ng kongresista ang mga kalaban
nito sa pulitika na ilabas na nila ang kanilang tangkang pasabog na isyu kontra
sa kanyang kampo para agad nitong masagot.
Kumpiyansa ang opisyal na naging tapat ang
kanyang pagserbisyo sa taong bayan.
Aminado rin ang opisyal na dahil sa mga
ibinubuhos nitong proyekto sa lahat ng mga barangay na nasasakupan nito ang
dahilan din kung bakit marami ang bumubuhos na tao sa kanyang mga campaign
sorties. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento