(Kabacan, North Cotabato/
May 3, 2013) ---Iginiit ngayon ng bagong tatag na Lay Solidarity Movement sa
Kidapawan city na hindi dapat
maging basehan ang kasikatan at pagiging mayaman sa pagboto ng kandidato.
Ayon
sa grupo, madalas na pinipili ng mga botante sa bawat eleksiyon ay ang mga
sikat at maperang kandidato.
Maliban
pa ito sa mga tinatawag na traditional politicians na halos ayaw umanong ipasa
sa iba ang kapangyarihan.
Sinabi
ng grupo na dapat ng matigil ang ganitong pananaw para makamit ang tunay
napagbabago.
Sa
halip na pera at kasikatan, dapat gawing basehan ang integridad, karakter at
malinis na background sa pagboto sa May 13.
Sa
ganitong paraan, hindi imposibleng magkaroon ng pagbabago sa sistema ng
gobyerno pagtapos ng halalan, dagdag pa ng grupo.
Samantala,
gagawin ngayong umaga ang isang candidate forum sa gubernatorial candidate sa
probinsiya ng North Cotabato, aasahan namang isahimpapawid ito sa himpilan ng
DXVL Radyo ng bayan 94.9FM band mamayang alas 9:00 ng umaga. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento