Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pag-urong ng kandidatura ng anak ng namayapang Pol Dulay sa pagka Vice Mayoralty, pinabulaanan


(Kabacan, North Cotabato/ May 2, 2013) ---Mariing pinabulaanan ngayon ni vice Mayoralty Candidate Myra Dulay ang mga kumakalat na balitang, iniatras umano nito ang kanyang kandidatura bilang bise alkalde ng bayan.

Sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan kay Dulay, walang katotohanan umano ang mga umuugong na balita at sa katunayan, ipinupursige nito ang kanyang pagtakbo makaraang mag-file siya ng kanyang kandidatura noong Pebrero a-7 bilang kahalili sa kanyang yumaong ama.

Aniya, ang naka-imprenta sa mga balota ay ang pangalan ng pa rin ng kanyang ama.

Si Dulay ay tumatakbo sa ilalim ng Liberal Party, pero dinadala pa rin ang kanyang pangalan sa partido ni Mayoralty Candidate Herlo Guzman Jr. bilang bise alkalde, ito dahil sa wala umanong bise alkalde ang nasabing kampo, ayon sa kanya.

Sa ngayon, ipinauubaya naman ng pamilya Dulay ang kaso ng kanyang ama sa binuong task force dulay, para matumbok ang mastermind sa pagpatay ng kanyang ama noong Janauary 11 alas 3:00 ng hapon sa USM Avenue. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento