Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 Patay 1 sugatan sa banggaan ng motorsiklo at truck sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ April 30, 2013) ---Patay ang dalawa katao habang sugatan ang isa pa makaraang masangkot sa aksidente sa daan ang sinasakyang motorsiklo alas 5:15 ng madaling araw kanina sa Matalam, North Cotabato.


Kinilala ng Matalam PNP ang mga binawian ng buhay na si Efren Cabayao, 55, may asawa, driver ng Kawasaki Bajaj at si Bernabe Balanag, backrider kapwa residente ng nabanggit na bayan.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad lumalabas na habang tinatahak ng Isuzu Forward ang kahabaan ng National Highway galing ng Cotabato Sugar Central Corporation mula sa Brgy. 
Kilada patungo sa direksyong papuntang bayan ng Mlang ng pagdating sa harap ng munisipyo ng Matalam ay nahagip nito ang isang kulay pulang Kawasaki Bajaj na may plate number NR 6666.

Patungo sana sa Matalam Public Market ang nasabing motorsiklo na minamaneho ng biktimang si Cabayao sakay ang isa pang angkas na anak nito na nakialalng si Maricel, 18 gulang ng maganap ang insedente.

Maswerteng di napuruhan si Maricel pero ang ama nitong si Efren at ang backrider na si Balanag ideneklarang dead on Arrival ng mga doktor makaraang maisugodsa Babol Medical Hospital.

Ang truck na may plate number JCK 960 na minamaneho ni Romeo Gabais Jr., 22 at residente ng Esperanza, Sultan Kudarat ay pansamantalang nasa kustodiya ngayon ng Matalam PNP habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. (Rhoderick Beñez with reports from SP04 Froilan Gravidez )

0 comments:

Mag-post ng isang Komento