Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Jobs Fair, nagsimula na sa Kidapawan City


(Kidaapwan City/ May 1, 2013) ---Nananawagan ngayon si Dept. of Labor and Employment o DOLE North Cotabato Field Office Labor Officer Edna Sales sa lahat ng mga job seekers na samantalahin ang jobs fair na isinasagawa ngayon sa Kidapawan City. Kasabay ng Labor Day ngayong araw.

Sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan sa opisyal, gagawin ang nasabing aktibidad sa DepEd Convention sa Kidapawan Pilot Central Elementary School na nagsimula kaninang alas 8:30 ng umaga hanggang mamayang hapon.


Abot sa 17 na mga local companies ang partner ng DOLE North Cotabato sa aktibidad na maaaring pagtrabahuan ng mga aplikante mula sa Kidapawan City at iba pang kalapit-bayan.

Maliban sa job employment, nais din ng DOLE North Cotabato na mabigyan ng wastong gabay ang mga aplikante lalo na ang mga bagong tapos ng kolehiyo na malaman ang mga trabahong babagay sa kanilang kurso at kwalipikasyon.

Mahalaga raw ito para maiwasan ang problema sa job mismatch na madalas nangyayari sa mga aplikante.

Pinayuhan din ni Sales ang mga aplikante na kumpletuhin ang isusumiteng requirements tulad ng curriculum vitae, application letter at iba pa. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento