Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Iba’t-ibang food products buhat sa Niyog; ituturong bilang Livelihood program ng isang NGO sa pamamagitan ng religious sector sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ May 1, 2013) ---Magtuturo ang UPLOADS Jobs for Mindanao, isang Non government Organization o NGO ng iba’t-ibang livelihood programs sa darating na a-Singko ng Mayo sa Kabacan.

Ayon kay Project Coordinator Sonia Almazan layon nito na maturuan ang mga partisipante, mga miyembro ng simbahan ng kaalaman hinggil sa iba’t-ibang pagluto at proseso ng paggawa ng pagkain buhat sa Niyog na maaring maibenta para sa dagdag kita ng pamilya o maari ring pangkabuhayan.

Gagawin ang nasabing demonstration sa Kabacan Baptist Church na makikita sa Sinamar 2, Poblacion ng bayang ito, ala 1:00 hanggang alas 4:00 ng hapon sa nasabing araw.

Ang programa ay bahagi ng extension program ng simbahan sa pakikipagtulungan ng University of Hawaii at Southern Christian College o SCC, ayon kay Rev. Pastor Alvin Almazan. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento