Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Force Multipliers ng PNP, bahagi ng pagpapalakas ng tiwala ng taong bayan sa kapulisan


(Kabacan, North Cotabato/ May 1, 2013) ---Nagpakalat ng karagdagang police force ang Kabacan PNP partikular sa mga matataong lugar tulad ng palengke, paaralan at business establishments.

Ayon kay Kabacan Chief of Police Supt. Leo Ajero, ito ay para mapalakas pa ng kapulisan ang pagbabantay laban sa mga masasamang loob na naglipana ngayon sa bayan.

Maliban pa ito sa motorcycle cops na una ng itinalaga ni Ajero para maglibot sa mga pangunahing lansangan ng Kabacan.

Inamin ng police official na patuloy na tumataas ang street crimes sa Kabacan at nais niya itong tutukan para na rin sa kaligtasan ng mamamayan.

Isa hanggang dalawang pulis naman ang itatalaga sa bawat police box, ayon pa kay Ajero.

Kaugnay nito, layon ng nasabing hakbang na palakasin ang tiwala ng taong bayan sa kapulisan upang makuha din nila ang kooperasyon ng bawat isa na makipagtulungan para sa agarang ikaresolba ng kriminalidad sa bayan, ayon kay P/Insp. Samuel Bascon. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento