Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

CAFGU, dinukot ng mga pinaniniwalaang NPA sa Arakan, North Cotabato


(Arakan, North Cotabato/ May 3, 2013) ---Dinukot ng mga pinaniniwalaang 50 armadong rebeldeng grupo ang isang kasapi ng Civilian Auxiliary Army o CAA sa isang remote na brgy. sa bayan ng Arakan, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ni 57th IB Civil military Lt. Nasrullah Sema ang biktima na si Hilario Cambel, dating kasapi ng para-military group sa ilalim ng 38th IB at residente ng Barangay Kabalantian, Arakan.


Sa inisyal na imbestigasyon, pwersahang kinuha ang biktima sa bahay nito alas 5:00 ng madaling araw kahapon  ng mga grupo  ng Front Guerilla 53 sa ilalim ng pamumuno ni Kumander Jasmin.

Ang grupo ni Jasmin ay mga pinaniniwalaang mga NPA na may operasyon sa mga bayan ng Arakan, Antipas at Pres. Roxas sa ilalim ng Southern Mindanao Regional Command.

Makaraan ng limang oras, pinalaya naman si Cambel ng kanyang mga abductors, pero kinuha ng mga rebelde ang kanyang kalibre .45 na pistol.

Bukod sa nabanggit, tinangay din ng mga ito ang maraming sako ng palay mula sa mga bahay ng mga residente doon at isinakay sa isang dump truck papunta sa Brgy. White Kulaman sa kalapit na probinsiya ng Bukidnon.

Agad namang kinondena ni Sema ang ginawang pagnanakaw ng mga rebeldeng grupo sa mga palay ng mga residente.

Ito na ang pangalawang abduction ang naitala simula buwan ng Abril ang una ay ang kaso ni PO2 Mike Ali ng Pres. Roxas kungsaan dinukot din ng mga pinaniniwalaang NPA ang nasabing pulis noong Abril 19. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento