(Kabacan, North Cotabato/ May 1, 2013) ---Bilang
pangunahing programa ng Moro People’s Core, nagsagawa ng Lecture on Capability
Build-up ang organisasyon saknilang tanggapan na makikita sa USM Avenue,
Kabacan, Cotabato, kamakalawa.
Ayon kay Moro P’Core Executive Director
Zaynab Ampatuan naging kalahok sa nasabing aktibidad ang mga mag-aaral ng
Kuntaw-Silat sa Barangay Poblacion ng nabanggit na bayan.
Layunin nito na mabigyan ng kaalaman ang mga
kalahok hinggil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng organisasyon ng kabataan
na magiging kapaki-pakinabang sa ating
komunidad at ang mga katangiang dapat taglay ng isang mabuting lider
at mga responsibilidad na nakaatang sa kanya, ayon pa kay Ampatuan.
Sinabi pa ng opisyal na ipinaliwanag din
nila sa mga estudyante ang mga mithiin,
pananaw at programa ng Moro PCORE kung saan malaki ang bahaging ginagampanan ng
Kuntaw-Silat Students sa pagkamit ng mga ito.
Aniya, ang Kuntaw-Silat ay Maguindanaon Martial arts at isa sa mga
proyekto ng Moro People’s CORE upang mapayaman ang Kultura ng mga Moro.
Hangarin ng Moro People’s CORE na ang muling
pagpapayaman sa ating mga kultura tulad ng pag-aaral ng Kuntaw-Silat ay
makakatulong sa pagkamit ng mithiin ng Moro People’s CORE para sa mga kumunidad
na makilala at mapamunuan ang kanilang
mga sarili na walang inaapakang anumang karapatan ng iba. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento