Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pulis na dinukot sa Cotabato Province, di pa natuntun ang kinaroroonan


(Pres. Roxas, North Cotabato/ April 30, 2013) ---Labis-labis na ang pagkabahala ngayon ng asawa at mga kaanak ni PO3 Maula Ali ng Arakan PNP na dinukot ng mga armadong kalalakihan sa Brgy. Bato, President Roxas habang papunta sa kanyang farm lot noong April 19.

Ito ay makaraang lumipas na ang mahigit isang linggo pero   wala pa ring balita ang pamilya sa kinaroroonan ng biktima.


Ayon sa PNP President Roxas at PNP Arakan, walang ideya ang       pamilya ni PO3 Ali sa kinaroroonan nito at wala rin daw tawag o sulat mula sa armadong grupong dumukot rito.

Una nang lumabas ang report na mga miyembro ng New People’s Army o NPA ang dumukot kay PO3 Ali.

Pero hirap ang kapulisan sa pagkumpirma nito matapos na walang komunikasyon o pag-amin sa hanay ng naturang armadong grupo.

Kaugnay nito, umapela ang asawa at mga kaanak ng biktima sa sinumang nakakaalam ng kinaroroonan nito na ipagbigay-alam agad sa kanila o sa otoridad.

Nais raw ng pamilya ni PO3 Ali na matiyak na buhay ito at nasa maayos na kundisyon pa rin sa kabila ng pagkakadukot dito ilang araw na ang nakararaan. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento